Panatang Makabayan – Tungkol Sa Isa Sa Mga Pambansang Panunumpa
PANATANG MAKABAYAN – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang isa sa mga pambansang panunumpa na tinatawag na Panatang Makabayan.
Sa bawat seremonyang watawat (flag ceremony), lagi nating ginagawa ang dalawang bagay: Una, ang pagkanta ng pambansang awit na “Lupang Hinirang”; at ikalawa, ang pagbigkas ng dalawang panunumpa. Ang isa sa kanila ay walang iba kundi ang “Panatang Makabayan”. Ano kaya ito.
Gaya ng sinasabi sa itaas, ito ay isa sa dalawang pambansang panunumpa. Ang saling Ingles nito ay “Patriotic Oath”. Ang isa pang panunumpa ay ang “Panunumpa ng Katapatan sa Watawat”.
Ang panunumpang ito ay kadalasang inuunang sinasabi sa lahat ng pampublikong paaralan pagkatapos kantahin ang “Lupang Hinirang”.
May dalawang bersyon ang panunumpang ito. Basahin na natin:
Orihinal
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.
DepEd 2001 Bersyon
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.
Narito ang salin ng panunumpang ito:
DepEd 2001 Bersyon
I love the Philippines – the land of my birth,
Home of my race – who kept me and has been helping me all these years…
To become strong, industrious and honorable.
I love the Philippines – and for this…
I will heed the counsel of my parents,
I will obey the rules of my school,
I will perform the duties of a patriotic citizen,
I shall Serve, study, and pray faithfully.
I shall offer my life, my dreams and all my endeavors…
To my country – The Philippines.
Original
I love the Philippines.
It is the land of my birth;
It is the home of my people.
It protects me and helps me to be strong, happy and useful.
In return, I will heed the counsel of my parents;
I will obey the rules of my school;
I will perform the duties of a patriotic, law-abiding citizen;
I will serve my country unselfishly and faithfully
I will be a true Filipino in thought, in word, and in deed.
For English version, click here.
BASAHIN DIN: Ano Ang Tagalog Ng Bating “Happy New Year”? (SAGOT)