Pagtalakay Sa Kahulugan ng “Morpema”, Ang Tatlong (3) Uri Nito & Ilang Mga Halimbawa
MORPEMA – Narito ang kahulugan nito, ang tatlong (3) uri nito, at ilang mga halimbawa sa ilalim ng bawat uri.
Isa sa mga asignaturang may pinakamalapad na nasasakupan pagdating sa mga topiko sa ilalim nito ay ang Filipino. Dahil dito, hindi nakapagtataka kung bakit bahagi ito ng bawat baitang sa paaralan.
Mayroon ding mga kursong nakatuon sa Filipino pagdating sa kolehiyo. Mainam ito sa mga taong nais na mas lalong pagbutihin ang kaalaman pagdating sa ating sariling wika at sa nais na ibahagi ito sa iba.
Pagdating sa mga topiko sa Filipino, isa sa mga itinatalakay ay ang morpema. Sa artikulong ito, ating pag-uusapan ang kahulugan nito, ang tatlong (3) uri nito, at ang mga halimbawa nito.
Ano ang morpema?
Ito ay ang pinakamiit na yunit ng isang salita na mayroong kahulugan. Mayroon itong tatlong (3) uri – ang malaya, di-malaya, at ang pinagsamang di-malaya at salitang ugat.
Morpemang Malaya
Ito ay mga yunit ng salita na ibinubuo ng pangngalan, pang-uri, pandiwa, at pang-abay. Ito ay itinatawag rin na salitang ugat.
Mga Halimbawa
- bigay – Bigay ni Andres ang bagong kotse ni Miguel.
- dasal – Mga dasal ng publiko ang tanging hinihingi ng pamilya.
- bili – Bili ni Joselito ang mga pagkaing dala-dala nila papuntang bukid.
Morpemang Di-malaya
Ito ay tumutukoy sa mga panlapi na ikinakabit sa salitang-ugat upang magsaad ng antas. Ito ay maaring unlapi, gitlapi, o hulapi.
Mga Halimbawa:
- Unlapi – ma, nag
- Gitlapi – um, in
- Hulapi – in, ay, an
Morpemang Di-malaya at Salitang-ugat
Ito ay ang tambalan ng salitang-ugat at ng panlapi. Narito ang ilang mga halimbawa:
- binigay
- umulan
- kinumpuni
- lutuin
- alisin
READ ALSO: BAHAGI NG PANANALITA – Mga Kahulugan & Halimbawa ng Bawat Isa