Talambuhay ni Jose Rizal – Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas

Ang Pagtalakay sa Talambuhay ni Jose Rizal na Pambansang Bayani ng Pilipinas

TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL – Narito ang isang pagtalakay sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal na pambansang bayani ng Pilipinas.

Hindi maikakaila na isa sa mga pinakatanyag na bayani ng Pilipinas ay si Dr. Jose P. Rizal. Siya ang pambansang bayani at isa siyang doktor sa mata at manunulat.

Dr. Jose P. Rizal
Photo Credit: Philippine Lifestyle News

Ang kabuuang pangalan ni Dr. Jose P. Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Siya ay isa sa labing-isang anak nina Francisco Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Alonso Realonda y Quintos. Dalawa lang silang magkapatid na lalaki ng kanyang Kuya Paciano.

Si Dr. Jose Rizal ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noong June 19,1861. Bukod sa Jose, tinatawag rin siyang ‘Pepe’ sa bahay at lugar nila. Siya ay isang matalinong bata.

Ang Pambansang Bayani ay ipinadala ng kanyang mga magulang sa ibang lugar upang mag-aral. Naging isang doktor siya sa mata at sumusulat rin siya – siya ay may-akda ng tanyag na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Ang kaibahan ni Dr. Jose Rizal sa iba pang mga bayani ay ang kanyang pamamaraan sa pagtatanggol sa bansang Pilipinas. Idinadaan niya ito sa kanyang mga panulat. Inaresto siya at hinatulan ng kamatayan.

Namatay si Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30,1896 sa Bagumbayan sa Manila. Sa kasalukuyan, mayroon siyang mga monumento sa Luneta Park, Manila, Calamba, Laguna, at Camarines Norte.

Narito ang isang maikling pag-uulit ng mga mahahalagang detalye:

TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL

Buong Pangalan: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Araw at Lugar ng Kapanganakan: June 19,1861 sa Calamba, Laguna
Araw at Lugar ng Kamatayan: Disyembre 30,1896 sa Bagumbayan, Manila
Mga Magulang: Francisco Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Alonso Realonda y Quintos
Mga Isinulat: Noli Me Tangere at El Filibusterismo

BASAHIN RIN: Photo of Jose Rizal Look-Alike Goes Viral Online & Shocks Netizens

Leave a Comment