Alegorya Ng Yungib Buod Ayon Kay Plato At Aristotle
ALEGORYA NG YUNGIB BUOD – Sa paksong ito, alamin at tuklasin natin ang Alegorya ng Yungib (Buod) na sanaysay ayon kay Plato at Aristotle.
Ang Alegorya ng Yungib ay isang essay na ginawa ng pilosopong Griyego na si Plato. Ang layunin nito ay para makita natin ang kahirapan o suliranin na ginawa ng mga tao sa sanlibutan papunta sa liwanag.
Ito rin ay itinuro rin ng estudyante ni Plato na si Aristotle ngunit taliwas ito sa turo ni Plato.
Buod
Plato
Ayon kay Plato, tulad ng nasa loob ng kweba ang isang tao na naka-tanikala at nakaharap sa dingding ng yunib. Sa likuran ng tao ay may apoy at ang nakikita ng tao ay mga anino ng mga bagay nasa labas ng yungib. Para makita ang mga bagay at ang katotohanan nito ay kailangan ng tao na tanggalin ang tanikala at lumabas sa kanyang kweba. Ang buod na ayon kay Plato ay tinatawag na rasyunalismo.
Kabilang sa buod nito ang mga sumusunod:
- Ang anino ng mga bagay ay imahe nito na nakikita natin sa mundo.
- Nasa Mundo ng mga Ideya ang tunay na pag-iral
- Naroroon na sa ating isipan mula nang ipinganak tayo an mga konsepto ng mga bagay.
- Para matuklasan ito, kailangan nating gamitin ang pangangatwiran.
Aristotle
Ayon kay Aristotle, ang katotohanan ay ang pagraranas sa pamamagitan ng ating limang pandama: mata, tenga, pandamdam, pang-amoy, at panlasa. Wala pa sa isip natin noong ipininganak tayo ang mga ideya. Tinagurian ni Aristotle ang isip ng tao na “Tabula Rasa” o blankong tableta. At sa tabletang ito nasusulat ang mga karanasan sa pamamagitan ng limang pandama na tinaguriang empirisismo.
BASAHIN DIN – IBONG ADARNA THEME – Themes Of The Famous Filipino Epic