Author: Sandy Ghaz
Date: July 19, 2019
in: Educational
Share to Facebook Share to Twitter More...

Summary / Buod ng Florante at Laura

BUOD NG FLORANTE AT LAURA – Narito ang summary o pinaikling bersyon ng kwentong Florant at Laura.

Sa paaralan, maraming kwento ang itinatalakay sa ilalim ng asignaturang Filipino. Bukod sa “Noli Me Tangere” ni Dr. Jose Rizal at kanya ring “El Filibusterismo“, itinatalakay rin ang kwento nina Florante at Laura.

Book
Photo Courtesy of Hurston/Wright Foundation

Narito ang buod ng Florante at Laura o ang pinaikling bersyon o summary ng isang napakahabang kwento.

Buod ng Florante at Laura

Si Florante ay anak nina Duke Briseo at Princesa Floresca. Noon ay ipinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aaral at si Antenor ang kanyang naging guro doon.

Si Florante at Menandro ay nagkakakilala sa Athena. Naging matalik silang magkaibigan. Bukod kay Menandro, ang akala ni Florante ay kaibigan rin niya si Adolfo – isang lihim na kaaway.

Minsan sa paaralan ang nagtanghal sina Florante at Adolfo. Muntik na siyang mataga ng lihim niyang kaaway at mabuti na lamang at nailigtas siya ni Menandro.

Umuwi si Florante sa kanila sapagkat namatay si Princesa Floresca. Nagwagi siya laban kay Heneral Osmalik na sumakop sa Krotona. Nailigtas rin niya si Laura na naging kasintahan niya.

Subalit, naagaw ni Adolfo ang trono ng Albanya at pati na rin si Laura mula sa hukbo ni Aladin. Labis na nasaktan si Florante sa pagtataksil raw ng kasintahan sa kanya.

Isang araw, nasa gubat si Florante at nakatali siya sa puno. Mayroon ring dalawang leon na pwedeng pwede siyang lamunin ano mang oras. Mabuti na lamang at may dumating na moro.

Iniligtas ng moro si Florante at dinala sa kanila. Ikinuwento ni Florante ang pinagdaanan niya sa buhay at kung paano niya nailigtas si Laura mula sa mga hukbo ni Aladin.

Buong tapang na sinabi ng moro ang totoo na siya si Aladin. Nagkwento siya ng kanyang karanasan at higit pa pala ito sa naranasan ni Florante. Iniwan rin siya ng kasintahang si Flerida at ang ama pa niya ang umagaw ng kanyang nobya.

Pagkatapos nilang magkwentuhan, narinig nilang may dalawang babaeng nagkukwentuhan sa labas. Yun pala ay sina Laura at Flerida na nagtagpo rin habang tumatakas sa mga lalaking tumangay sa kanila.

Doon napagtanto nina Florante at Aladin na hindi sila pinagtaksilan ng kani-kanilang mga kasintahan.

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "BUOD NG FLORANTE AT LAURA (Summary)". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.