Mga Matalinghagang Salita At Ang Ibig Sabihin Nila

Mga Matalinghagang Salita At Ang Ibig Sabihin Nila

MATALINGHAGANG SALITA – Sa paksang ito, alamin natin ang mga iba’t ibang mga matalinghagang salita at ano ang ibig sabihin nila.

MATALINGHAGANG SALITA

Ang mga salitang ito ay ginawang mga talinhaga na parang ipinaugnay sya sa kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita.

May tatlong gamit ang mga salitang ito sa panitikang gaya ng tula, nobela, at sanaysay.

Ito ang mga iba’t ibang halimbawa nito:

  • Balat-sibuyas – sensitibo, madaling makaramdam
  • Agaw-buhay – malapit nang mamatay
  • Luha ng buwaya – Hindi totoo ang pag-iyak
  • Nagdidilang angel – Naging totoo ang sinalita
  • Ahas-bahay – Hindi mabuting kasambahay
  • Anak-dalita – Mahirap na tao, pulubi
  • Bahag ang buntot – duwag
  • Alilang-kanin – utusang walang sweldo, pagkain lang
  • Sukat ang bulsa – marunong gumamit nga pera, magbayad at mamahala ng kayamanan
  • Alimuom – tsismis, bulungan, sitsirya
  • Balat-kalbaw – Makapal, Walang hiya
  • Balik-harap – Kaibigan sa harapan, traydor sa likod
  • Basa ang papel – Sira na ang imahe
  • Buto’t balat – Sobrang payat
  • Halos liparin – Nagmamadali
  • Itaga sa bato – Tandaan
  • Kumukulo ang dugo – naiinis, nasusuklam, gigil na gigil
  • Bukal sa loob – taos-puso, matapat
  • Kaibigang karnal – matalik na kaibigan
  • Anak-pawis – magsasaka
  • Kung ano ang tinanim sya ring aanihin – kapag gumawa ng mabuti, mabuti rin ang gagawin sa kanya
  • Ang makipaglaro sa kuting mag t’yagang kalmutin – huwag magpipikon kapag ninanais magbiro
  • Mapaglubid ng buhangin – isang sinungaling
  • Matigas ang bato – malakas
  • Butas ang bulsa – mahirap, walang pera
  • Buwayang lubog – taksil sa kapwa
  • Bukas ang palad – matulungin
  • Nagbibilang ng poste – walang trabaho
  • Bantay-salakay – isang taong nagbabait-baitan
  • Amoy tsiko (chico) – taong nagsisigarilyo
  • Humahalik sa yapak – humahanga sa tao, iniidolo
  • Ilaw ng tahanan – ina
  • Haligi ng tahanan – ama
  • Ang hinog sa pilit ay maasim – masama ang mag pilit
  • Basag ang pula – loko-loko, marunong sa kalokohan, manloloko
  • Kumukulo ang tiyan – guton, nagugutom
  • Hawak sa ilong – sunud-sunuran, nangongopya ng tao
  • Makapal ang bulsa – mayaman, maraming pera

BASAHIN DIN – Ng At Nang – Kaibahan & Wastong Paggamit ng “Ng” at “Nang”

Leave a Comment