Ng At Nang – Kaibahan & Wastong Paggamit ng “Ng” at “Nang”

Gabay sa Kaibahan & Wastong Paggamit ng Ng at Nang sa Pangungusap

NG AT NANG – Narito ang kaibahan ng mga katagang “ng” at “nang” at ang wastong paggamit sa kanila.

Hindi maikakaila na karamihan sa mga Pinoy ay mas bihasa sa paggamit ng mga kataga sa Ingles kaysa sa mga katagang Filipino o Tagalog. Marami sa atin ay nahihirapan sa wastong paggamit ng mga salita.

Books
Photo Courtesy of CBS News

Para mapabilis ang pagtukoy kung ano nga ba ang dapat gamitin, isa sa mabisang paraan ay pag-aralang mabuti ang mga bahagi ng pananalita. Mayroong walong bahagi ng pananalita at bawat isa ay may layunin.

Kung alam na natin ang mga bahagi ng pananalita, mas mapapadali ang ating pag-intindi sa mga wastong paggamit ng ibang mga salita. Katulad na lamang ng “ng at nang”.

Isa ka rin ba sa mga madalas nagdadalawang-isip kung saan sa kanila ang dapat gamitin sa pangungusap?

Narito ang mga kaibahan at wastong paggamit ng “ng at nang” sa pangungusap.

TINGNAN: Ng at Nang Sa Pangungusap – Mga Halimbawang Pangungusap

NG

1. Ginagamit ang “ng” kasunod ng mga pang-uring pamilang.

Mga Halimbawa:

  • Bumili si Rex ng apat na tinapay para sa anak niya.
  • Naglabas ang nanay ng walong baso ng tubig para sa mga bata.

2. Ginagamit ang “ng” sa mga pangngalan.

Mga Halimbawa:

  • Pumunta ng paaralan ang guro.
  • Kinuha ng bombero ang balde sa kusina.

3. Ginagamit ang “ng” upang magsaad ng pagmamay-ari.

Mga Halimbawa:

  • Ang tiwala ng tao ay mahirap makuha kaya ingatan mo ito.
  • Ang silid-aralan ng mga bata ay ibinaha.

4. Ginagamit ang “ng” kapag ang sinusundan na salita ay pang-uri.

Mga Halimbawa:

  • Bumili ng magandang damit ang tatay para ibigay kay nanay.
  • Kinuha ng masunuring bata ang basura at iniligay sa nararapat nitong kalagyan.

5. Ginagamit ang “ng” upang pananda sa gumaganap ng pandiwa sa pangungusap.

Mga Halimbawa:

  • Binigay ng guro ang mga libro sa mga mag-aaral niya sa ikaapat na baitang.
  • Inalis ng matanda ang mga nakaharang na bakod sa daan.

NANG

1. Ginagamit ang “nang” sa gitna ng mga pandiwang inuulit

Mga halimbawa:

  • Takbo nang takbo ang bata sa parke sa sobrang kaligayang naramdaman niya.
  • Madalas nauubusan ng pera si Demetrio sapagkat siya ay yung tipong bigay ng bigay sa ibang tao.

2. Ginagamit ang “nang” pampalit sa “na at ang”, “na at ng”, at “na at na” sa pangungusap.

Mga Halimbawa:

  • Umaga nang dumating si Jose sa bahay nila. (Umaga na ng dumating si Jose sa bahay nila.
  • Sobra nang pagkamasungit ni Alysa. (Sobra na ang pagkamasungit ni Alysa.)
  • Hayaan mo na na kunin niya yung mga gamit niya. (Hayaan mo nang kunin niya yung mga gamit niya.”

3. Ginagamit ang “nang” para magsaad ng dahilan o kilos ng galaw.

Mga Halimbawa:

  • Nag-aral nang tahimik ang magkapatid.
  • Umalis ka nang maaga upang iyong maabutan ang tatay mo sa bahay.

BASAHIN RIN: PANGATNIG – Ano Ang Pangatnig & Mga Halimbawa Nito

7 thoughts on “Ng At Nang – Kaibahan & Wastong Paggamit ng “Ng” at “Nang””

  1. Hello po. Pwede niyo po bang basahin ulit yung pagkakagamit ng “nang” dun sa ikalawang halimbawa sa unang sitwasyon na pinaggagamitan nito? Parang may mali po hehe. But thanks to this, still helpful.

    Reply
  2. kala ko po ba ginagamit ang “nang” sa salita n inuulit. bakit ginamit nyo yung “ng” sa pangalawang example?

    Madalas nauubusan ng pera si Demetrio sapagkat siya ay yung tipong bigay “ng”bigay sa ibang tao.

    diba ayun sa sinabi nyo, nang dapat pag inuulit yun diwa.

    Madalas nauubusan ng pera si Demetrio sapagkat siya ay yung tipong bigay nang bigay sa ibang tao.

    Reply
  3. SALAMAT SA MGA EXMAPLE. DAHIL NAKALIMUTAN KO NA TO NONg SA COLLEGE AKO. I just remember the rules of nang at ng when I saw Ms. Kara David in YOU TUBE that ng & nang ay walang pagkakaiba pareho lang dw.

    Reply

Leave a Comment