BARAYTI NG WIKA – Uri At Ang Mga Halimbawa Nito
BARAYTI NG WIKA – Sa paksang ito, malalaman natin ag mga uri ng barayti ng wika at mga halimbawa ng bawat isang uri nito.
Kilala rin sa Ingles na “variety”, ito ang snhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan nating ginagalawan, heograpiya, edukasyon, okupasyon, edad, kasarian, at kung minsan, ang uri ng pangkat etniko.
Mga Uri
May walong uri ng barayti ng wika: Idyotek, Dayalek, Sosyolek / Sosyalek, Etnolek, Ekolek, Pidgin, Creole, at Register.
1. Idyotek
Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal ay may istilo sa pamamahayag at pananalita.
Halimbawa:
- “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro
- “Hoy Gising” – Ted Failon
- “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
- “Di umano’y -” – Jessica Soho
2. Dayalek
Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan. Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tnitirhan.
Halimbawa:
- Tagalog – “Mahal kita”
- Hiligaynon – “Langga ta gd ka”
- Bikolano – “Namumutan ta ka”
- Tagalog – “Hindi ko makaintindi”
- Cebuano – “Dili ko sabot”
3. Sosyolek / Sosyalek
Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo.
Halimbawa:
- Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo)
- Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
- Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado)
4. Etnolek
Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko.
Halimbawa:
- Palangga – Sinisinta, Minamahal
- Kalipay – saya, tuwa, kasiya
- Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan
5. Ekolek
Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng bata at matanda.
Halimbawa:
- Palikuran – banyo o kubeta
- Papa – ama/tatay
- Mama – nanay/ina
6. Pidgin
Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa.
Halimbawa:
- Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.
- Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta.
- Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.
7. Creole
Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa naging personal na wika.
Halimbawa:
- Mi nombre – Ang pangalan ko
- Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?
- I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami akong uri ng mga hayop sa gubatan.
8. Register
Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain. May tatlong uri nito:
- Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito
- Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon?
- Tenor- ayon sa relasyon ng mga-naguusap
Halimbawa:
- Jejemon
- Binaliktad
- Pinaikli sa teks
BASAHIN DIN: Ibong Adarna – Buod Ng Isang Sikat Na Epikong Pilipino
pwede naba kaya to ireport sa school namin kasi kasali to sa task namin sana naman may magsabi ng oo or hind at tsaka salamat😊😊
oo at hindi
Ty po
Thanks for this