SIMUNO – Ano Ang Simuno At Mga Halimbawa Nito

Gabay Kung Ano Ang Simuno & Mga Halimbawa Nito

SIMUNO – Narito ang pagpapaliwanag kung ano ito at ang mga halimbawa nito.

Simula kindergarten hanggang kolehiyo, marami tayong natutunan mula sa araw-araw na pagpasok natin sa paaralan. May mga napupulot tayong aral mula sa asignaturang Ingles, Filipino, Math, at iba pa.

Subalit, hindi maikakaila na karamihan sa atin ay mas nahihirapan sa asignaturang Filipino kaysa sa ibang asignatura. Subalit, hindi pa huli ang lahat upang isa-isahin natin ang mga leksyon sa Filipino.

Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng pangungusap.

Simuno

Kadalasan sa elementarya sinisimulang ituro ang simuno sa mga mag-aaral. Ano nga ba ito at anu-ano ang mga halimbawa nito?

Ano ang Simuno?

Ito ay ang bahagi ng pangungusap na gumagawa ng aksyon sa pangungusap o siyang pinag-uusapan sa pangungusap. Maari itong ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, at iba pa. Sa Ingles, ito ay tinatawag na subject.

Ito ay maaaring magsimula sa malaking titik at maaari ring hindi. Narito ang ilang mga halimbawa:

  • Christopher
  • Purok Maanyag
  • G. Baltazar Cruz
  • pusa
  • bahay
  • Mababang Paaralan ng Sto. Rosario
  • telepono
  • pista
  • Pasko
  • Mac Aljoe’s Bakery

Mga Halimbawa ng Simuno na ginagamit sa pangungusap:

  1. Si Christopher ay umalis ng maaga upang makarami ng tinda.
  2. Ang Purok Maanyag ay ibinaha.
  3. Si G. Baltazar Cruz ang magtuturo sa kanila ng sayaw.
  4. Ang pusa ay nakakain na.
  5. Ang bahay ay hindi mabuksan.
  6. Ang Mababang Paaralan ng Sto. Rosario ay hindi na magbubukas muli.
  7. Ang telephono ay naiwan sa bahay.
  8. Ang pista ay idinarayo ng maraming tao.
  9. Ang Pasko ang pinakamasayang pagdiriwang sa buong taon.
  10. Ang Mac Aljoe’s Bakery ay sarado pa.

Maraming salamat sa pagbisita sa Philnews.ph. Nawa’y may natutunan kayo mula sa artikulong ito. Para sa mga komento at iba pa, maaaring mag-iwan ng mensahe sa pamamagitan ng komento sa ibaba.

Leave a Comment