Kilalanin Kung Ano Ang Pangngalan, Mga Halimbawa Nito
PANGNGALAN – Narito ang kahulugan kung ano ang pangngalan at ang mga halimbawa nito.
Isa sa mga bahagi ng pananalita na kadalasan ay makikita sa bawat pangungusap ay ang pangngalan. Ito at ang iba pang bahagi ng pananalita katulad ng pandiwa, pang-uri, at pang-abay ay itinuturo sa elementarya.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang kahulugan nito ang mga halimbawa nito. Nawa’y marami kayong matutunan mula rito.
Ano ang Pangngalan?
Ang bahagi ng pananalita na ito ay mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at maraming pang iba ayon sa Wikipedia. Sa Ingles, ito ay ang itinatawag nating noun.
Mga Halimbawa ng Pangngalan
Tao
- Si Bernadette ay umuwi ng madaling araw kaya napagalitan siya.
- Umalis ng maaga si Jaime para makarami siya ng benta.
- Ibinili ni Tonyo ng bulaklak si Aling Linda.
- Sina Louie at Dailyn ay pumunta ng parke.
- Ayaw ni Carlos na kumain ng pinya kaya ibinigay niya ito kay Sander
Bagay
- Ang gunting ay nawawala kaya hindi pa nasisimulan ang mga gawain.
- Ang mga mesa ay inilipat ng mga mag-aaral sa kabilang kwarto.
- Ang
tubig sa tabo aynatapon ni Miguel. - Ang plato ay aksidenteng nabitawan ni Damian.
- Ang telepono ay nabagsakan ng malaking kahoy.
Pook
- Sa Akademya ng Sta. Juanina nag-aaral ang magkapatid na Trina at Daisy Jane.
- Sa
ospital dumiretso ang mag-ama. - Sa probinsya ng Sto. Rosario umuuwi ang pamilya Paeng.
- Sa parke pumunta ang magkapatid noong kaarawan ni RJ.
- Sa Mababang Paaralan ng Miguel Jaime nag-elementarya sina Vin at Rexel.
Pangyayari
- Ang Araw ng mga Puso ay ipinagdiwang noong isang araw.
- Sa Pasko na raw uuwi mula Amerika si John Lloyd.
- Sa kanyang kaarawan ay isinurpresa siya ni Leiane.
- Ang Bagong Taon ay malayo pa kaya marami pang pwedeng mangyari.
I learned very much