SAWIKAIN: 30+ Halimbawa Ng Sawikain At Kanilang Mga Kahulugan

30+ Halimbawa ng Sawikain at mga Kahulugan Nito

SAWIKAIN – Narito ang higit sa 30+ halimbawa ng mga sawikain at ang kanilang mga kahulugan.

Kadalasan, sa tuwing nagbabasa tayo ay marami tayong sawikain na makakasalubong. Ito ay mga idyoma o kasabihan na ang kahulugan ay hindi komposisyonal ayon sa Tagalog Lang.

Halimbawa ng Sawikain

Narito ang higit sa 30 halimbawa ng mga sawikain at kanilang mga kahulugan:

1. Bukas ang Palad = Matulungin

Talagang bukas ang palad ni Rodrigo pagdating sa mga kasama niyang mangingisda.

2. Amoy Pinipig = Mabango

Palaging amoy pinipig ang guro nila sa Filipino.

3. Kabiyak ng Dibdib = Asawa

Sa bayan nagtratrabaho ang kabiyak ng dibdib ni Aling Myrna.

4. Butas ang bulsa = Walang pera

Maraming bayarin sa bahay nila kaya butas ang bulsa ni Kiko ngayon.

5. Lantang Gulay = Sobrang pagod

Parang lantang gulay ang inay noong dumating siya sa bahay galing sa pag-lalabada.

6. Nagsusunog ng Kilay = Masipag mag-aral

Araw-araw ay nagsusunog ng kilay ang batang si Jaime.

7. Pag-iisang Dibdib = Kasal

Malapit na ang pag-iisang dibdib nina Carlos at Gina kaya abala na sila sa paghahanda ngayon.

8. Makapal ang Palad = Masipag

Paborito ni Tiyo Berting si Richmond sa pagiging makapal palad nito.

9. Kilos Pagong = Mabagal

Binantaan na ni Cora si Theo na bawal ang kilos pagong sa grupo nila.

10. Mapurol ang Utak = Hindi matalino

Kahit mapuro ang utak ni Christopher, mabuti naman ang kanyang kalooban.

11 thoughts on “SAWIKAIN: 30+ Halimbawa Ng Sawikain At Kanilang Mga Kahulugan”

Leave a Comment