Ang Pagyakap Sa Letrang ‘F’: ‘Filipino’ at Hindi ‘Pilipino’

Bahagi na ng ating pagkapinoy ang ating salita. At sa buwang ito, ating ipinatitibay ang pagpapahalaga sa ating salitang kayakap ng ating kultura.

Ngunit tanong pa rin sa karamihan kung alin nga ba ang tamang salita, ‘Filipino’ o ‘Pilipino?’

Ang pagkakaintindi ng karamihan, ang ‘F’ ay banyaga at kolonyal habang ang ‘P’ ay likas sa ating salita.

Ngunit iginiit ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na gamitin ang “Filipino” sa halip na “Pilipino” sa pagtukoy hindi lamang sa pambansang wika kundi pati sa “tao at kultura ng Filipinas.”

Sa kapasyihang inilabas noon Mayo 12, 2015, ipinaliwanag ng KWF na ang paggamit ng “Filipino” ay pagyakap sa mga rehiyonal at katutubong wika.

Bagkus, ipinaliwanag din ng KWF na ang ‘F’ ay hindi banyaga.

Ayon kay Dr. Purificacion Delima, kagawad ng KWF, ang ‘F’ ay katutubong tunog na ginagamit noon pa man mula sa Cordilleras ng mga Ifugao hanggang sa mga B’laan sa Mindanao.

Ani Delima, sa paggamit ng “Filipino” sa pagtukoy sa tao at kultura ng bansa hindi lamang natin kinikilala ang mga wikang rehiyonal kundi pinagyayaman pa natin an gating pambansang wika.

Batay sa pagsusuri, Tagalog ang nagging batayan sa pagdeklara noon ng “Pilipino” bilang pambansang wika at hindi pa kasama ang mga tunog na F, V, at Z sa “Balarila” ni Lope K. Santos na dating tagapangulo ng KWF noon 1940’s.

Sa estadong yaon, itinuturing pang mga hiram na titik ang mga nabanggit na tunog.

“Noon kasi ay ibinase lamang ang ‘A BA KA DA,’ na mayroong 20 na letra, sa salitang Tagalog at hindi isinalin o isinama ang mga wikang katutubo. Tulad ng ‘F, V at Z’ na mayroon naman pala sa ibang wikang Filipino,” ani ni Delima.

Sa batayan ang ‘Filipino’ at ‘Filipinas’ ay naging Pilipino and Pilipinas.

Ngunit ipinagtibay ng 1987 konstitusyon ang transisyon ng Pilipino patungong Filipino na naging maliwanag na kahit 1973 konstitusyon ang babatayan.

Nakasaad din sa Section 6 ng Saligang Batas na ang pambansang linguahe ng bansa ay Filipino at habang nagkakaroon ng makabagong pag-aaral kailangan ibasi ito sa tinatanggap na linguaheng Filipino.

“Dati kasi tagalog lang ang tinitignan sa abkd, walang katutubo (pero ngayon isinama na ang katutubong letra),” ayon kay Delima.

Bagamat hindi madali at biglaan ang pagpapatupad ang mga iminumungkahi ng komisyon na naayon sa legal na batayan at mula sa malalim na pananaliksin, magsasagawa ang KWF ng Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika mula Agosto 5-7.

Layong na maitalakay nang husto ang mga solusyong naangkop sa suliraning pangwika ng bansa.

Kasabay ng pagtitiwala ng komisyon sa pagunlad ang wika, naniniwala din ito na mapaunlad ang bansa.

1 thought on “Ang Pagyakap Sa Letrang ‘F’: ‘Filipino’ at Hindi ‘Pilipino’”

  1. Dahil dun dapat ng baguhin ang Pilipino tungo sa Filipino? Hindi naman nawala ang titik P sa makabagong alpbetong Pilipino
    dapat Pilipino pa rin , at saka sa halos lahat ng wika sa Pilipinas ay may letrang P.
    anong mga wika lang ang may F sa mga dito sa Pilipinas iilan lang siguro.

    Reply

Leave a Comment