These are the famous works Severino Reyes and read one of his short stories below.
SEVERINO REYES FAMOUS WORKS – Here are some of the famous works of Severino Reyes – “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”.
The “Father of the Tagalog Zarzuela” and the “Father of Tagalog Plays” is Severino Reyes. Apart from these recognitions, he is also our well-loved “Lola Basyang”. He is the person behind the popular Liwayway series called “Mga Kuwento ni Lola Basyang”. Throughout his service, he created 26 zarzuelas and 22 dramas. He is not just a writer but also a dramatist and a playwright.
SEE: Francisco Arcellana Biography and His Famous Works (Life and Works)
Here are some of his works:
- Walang Sugat
- R.I.P (Requiescat in Pace)
- Mga Bihag ni Cupido
- Ang Tunay na Hukom
- Kalye Pogi
- Ang Halik ni Hudas
- Cablegrama Fatal
- Puso ng Isang Pilipina
- Ang Bagong Fausto
- Filotea, o Ang Pag-aasawa ni San Pedro
- Opera Italiana
- San Lazaro
- Alamat ng Lamok
- Ang Binibining Tumalo sa Mahal na Hari
He also wrote Minda Mora (1904), Filipinas para los Filipino (1905), Ang Pagbibili ng Pilipinas sa Hapon (1906), Ang Bayani ng Puri (1922) at Ang Puso ng Isang Pilipina (1923) and the dramas Sigalot ng mga Filipino at Americano 1898 (1910), and Ang Sigaw ng Balintawak (1911).
Check out the story, one from Lola Basyang, below from Arete:
Noong unang panahon, mayroon isang anak na nais makatulong sa kanyang mahirap na magulang.
Rodrigo ang pangalan ng binata. Pumasok siyang utusan sa isang mayamang negosyanteng si Ahab.
“Tunan ang sweldo ng ng mga tauhan ko,” mabagsik sa sabi ni Ahab.
“Hindi po bale, para makaipon ako ng malaki,” sagot ni Rodrigo.
Masipag sa trabaho si Rodrigo. Maliksi sa bawat pinag uutos sa kanya ng amo. Maaga sa pagbukas ng
tindahan at maaga sa pagbubuhat ng mga kalakal. Makalipas ang isang taon, hinihingi na ni Rodrigo
ang kanyang sweldo kay Ahab.
“Gusto ko po sanang umuwi muna sa amin para maibigay ang sweldo ko sa aking mga magulang,”
mahinahong paalam ni Rodrigo.
“Sa susunod na taon mo na kunin ang iyong sweldo para mas malaki,” pandidilat
ni Ahab sa binata.
Pumayag si Rodrigo dahil iniisip niyang maiipon ang kanyang sweldo.
“Mas malaking pera ang maiuuwi ko sa amin susunod na taon,” bulong ni Rodrigo sa sarili.
Makalipas ang ikalawang taon, hiningi muli ni Rodrigo ang kanyang sweldo kay Ahab.
“Wala akong maibibigay sa’yo dahil hindi mabuti ang iyong trabaho!” busangot na sigaw ni Ahab.
“Hindi po totoo ‘yan. Pinagbubuti ko ang aking trabaho!” galit na sagot ni Rodrigo.
“Kung gayon, heto ang dalawang piso. Bayad kana sa dalawang taong serbisyo mo. Makakaalis ka
na!” sabay talikod ng malupit na amo.
Walang nagawa si Rodrigo. Umalis siyang dala ang dalawang piso. Sa ‘di kalayuan, may nakita siyang isang matandang babaeng pulubi. Hinang-hina ito sa gutom.
“Tatlong araw na akong hindi kumakain,” halos pabulong na sabi nito nang matapat sa kanya si
Rodrigo.
Naawa si Rodrigo. Ibinili niyang pagkain ang matanda at ibinigay pa rito ang natirang barya mula sa
sakim na amo. Natuwa ang matanda sa kabutihan ng binata. Ngunit naawa siya rito nang ikuwento
niya ang masaklap na kapalaran sa among si Ahab. May inabot ang matanda kay Rodrigo.
“Mahiwaga ang biyulin na ito. Sasayaw ang lahat kapag tinugtog mo ito. Bumalik ka kay Ahab at
singilin ang dapat na sa iyo,” bilin ng matanda.
Bumalik si Rodrigo kay Ahab. Tinugtog niya ang biyulin. Sayaw ng sayaw si Ahab. Paikut-ikot at
pakendeng-kendeng pa.
“Parang awa mo na, itigil mo ang pagtugtog. Babayaran na kita,” hingal ni Ahab.
Tumigil si Rodrigo sa pagtugtog. Ibinigay ni Ahab ang supot ng pera. Ngunit hindi pa nakakalayo si
Rodrigo ay hinuli na siya ng mga sundalo.
“Ayan ang magnanakaw, hulihin n’yo at ikulong!” galit na galit si Ahab.
Nahatulang bitayin si Rodrigo sa gitna ng plaza. Sa araw ng pagbitay, nagsalita ang hukom.
“May nais ka bang hilingin bago ka mamatay?” sabi ng hukom.
“Gusto ko pong matugtog ang aking biyulin sa huling pagkakataon,” sagot ni Rodrigo.
Namutla si Ahab. Tinugtog ng binata ang biyulin at sumayaw ang buong bayan. Lumundag-lundag
pa ang berdugo at nabitawan ang taling pambitay kay Rodrigo. Humihingal ang lahat ng tao.
“Tumigil ka na! Magsasabi na ako ng totoo!” hiyaw ni Ahab habang sumasayaw.
Inamin niya sa buong bayan ang ginawa kay Rodrigo. Nahatulan siya ng hukom na makulong.
Binayaran niya rin si Rodrigo sa dalawang taon nitong pagtatrabaho.
Ano kaya ang ginawa ni Rodrigo?
Umuwi siya sa kanyang mga magulang dala ang sweldo niya ng dalawang taon
at ang mahiwagang biyulin.
READ ALSO:
- Severino Reyes Biography – Life Story Of “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”
- Manuel Arguilla Biography – Life Story Of Filipino Writer Manuel Arguilla
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.