Ito ang mga halimbawa ng kahalagahan ng pambansang pamahalaan na dapat mong malaman!
KAHALAGAHAN NG PAMBANSANG PAMAHALAAN – Ano-ano ang mga mahahalagang gampanin ng pamahalaan ng ating bansa.
Ang konsepto ng pagkakaroon ng pamahalaan ay ang pagiging namumunong awtoridad para pangasiwaan ang nasasakupang teritoryo. Ito may layunin na idirekta at kontrolin ang mga institusyon ng Estado, gaya ng pagsasaayos ng isang lipunang pampulitika. At sa Pilipinas, bilang isang demokratiko at republikanong Estado, ang bansa ay may “pampanguluhang anyo ng pamahalaan kung saan pantay na nahahati ang kapangyarihan sa tatlong sangay nito: ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura”.
Ang sangay na lehistura ay ang sangay na may kapangyarihan na gumawa ng mga batas, mag-amyenda, at magsawalang-bisa ng mga ito. Nahahati ito sa Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan.
Ang ehekutibong sangay ay pingangatawanan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo na ibinoto at inihalal ng nakararaming mamamayan. Sila ay magsisilbi sa loob ng anim na taon at may kapangyarihan silang piliin ang kanilang gabinete.
Ang hudikatura ang sangay na siyang naglulutas ng sigalot sa pagpapatupad ng mga karapatang nakasaad sa batas na binubuo ng Korte Suprema at mga nakabababang hukuman.
Ito ang mga tungkulin ng isang pamahalaan na nagpapakita ng kahalagahan nito:
- Pangangasiwa ng pamumuno sa isang bansa.
- Nagpapatupad ng mga batas para sa ikabubuti ng mga tao at ikasasaayos ng lipunan.
- Nagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng bansa.
- Para sa katiwasayan at kapayapaan ng mga tao.
- Pagpapatayo ng mga imprastraktura kagaya ng mga tulay, kalsada o daanan, LRT, MRT, flyovers, skyways, paliparan, railroads, pier o daungan at iba pang proyekto na kailangan ng mga mamamayan sa araw-araw.
- Pagpapagawa ng mga paaralan para magbigay ng libreng edukasyon at pamilihan o mga palengke para sa kabuhayan at pangangailangan ng mga tao.
- Pagpapatupad ng mga batas at pagparusa sa mga suwail na ayaw sumunod dito. Sa pamamagitan nito, napapanatili ang maayos at ligtas na pamumuhay ng mga tao ng isang bansa. Ang mga batas din ang gumagabay sa tao.
- Pagpapatayo ng mga ospital, health centers, programang pangkalusugan, at iba pang serbisyo medikal na mahalaga sa mamamayan para mapanatili ang kanilang magandang kalusugan lalo na sa mga mahihirap at sa mga tao ng komunidad sa liblib na lugar.
- Pagtulong sa mga tao sa panahon ng kalamidad tulad ng lindol, sunog, at mga bagyo.
- Pagbigay ng patas at walang kinikilingan na hustisya.
- Magbigay ng trabaho sa mga mamamayan.
BASAHIN:
- Mga Bahagi Ng Sanaysay – Ang Tatlong Bahagi Ng Isang Sanaysay
- Dalawang Uri Ng Sanaysay – Ano Ang Dalawang Uri Ng Sanaysay
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.