Pang-abay Na Pamitagan Halimbawa, Ano Ang Pang-abay na Pamitagan

Ano ang Pang-abay na Pamitagan at magbigay ng halimbawa.

PANG-ABAY NA PAMITAGAN HALIMBAWA – Ang kahulugan ng pang-abay na Pamitagan at kung paano ito gamitin sa isang pangungusap.

Ang pang-abay o ang adverb sa Ingles ay ang mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Mayroon itong iba’t ibang uri nito na nagpapahayag ng paraan, lugar, oras, dalas, antas, antas ng katiyakan, at iba pa. Sumasagot din ito sa mga katanungang paano, sa anong paraan, kailan, saan, at hanggang saan.

Pang-abay na Pamitagan

Mga iba’t ibang uri ng pang-abay:

At ang isa sa mga uri ay ang pang-abay na pamitagan kung saan ito ay ang mga salita o kataga na nagsasaad ng paggalang. Gumagamit ito ng mga katagang po, ho, opo, oho, at mawalang-galang. Gamit ang mga katagang ito ay ang pagpapahayag o pagpapabatid ng paggalang. Mayroon din ibang mga kataga na nagsasaad ng paggalang bukod sa mga nabanggit.

Mga halimbawa sa pangungusap:

  1. Maaari bang magtanong tungkol sa iyong ina na namatay?
  2. Opo, kaya ko pong gawin at gampanan ang iyong mga nais.
  3. Mawalang-galang sa iyo, maari ko bang malaman ang iyong pangalan?
  4. Alang-alang sa aking mahal na anak, babalik ako.
  5. Saan po sila pupunta?
  6. Mawalang-galang po, pero may nakita po ba kayong libro dito?
  7. Pasintabi sa mga bata, ang susunod na programa ay hindi angkop sa kanilang edad.
  8. Opo Mrs. Dela Cruz, nakikinig po ako sa lahat ng iyong sinasabi.
  9. Sana po ay nakikinig kayo sa sinasabi ng inyong doktor.
  10. Maaari ko bang makita ang aking anak?

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment