Ano ang Pang-abay na Pamaraan at magbigay ng halimbawa.
PANG-ABAY NA PAMARAAN HALIMBAWA – Ang kahulugan ng pang-abay na pamaraan at kung paano ito gamitin sa isang pangungusap.
Ang pang-abay o ang adverb sa Ingles ay ang mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Ito ay may iba’t ibang uri na nagpapahayag ng paraan, lugar, oras, dalas, antas, antas ng katiyakan, at iba pa. Sinasagot din nito ang mga katanungang paano, sa anong paraan, kailan, saan, at hanggang saan.
Mga iba’t ibang uri ng pang-abay:
- pamanahon
- panlunan
- pamaraan
- pang-agam
- ingklitik
- benepaktibo
- kusatibo
- kondisyonal
- pamitagan
- panulad
- pananggi
- panggaano
- panang-ayon
- panturing
- pananong
- panunuran
- pangkaukulan
At sa sulating ito, tatalakayin natin kung ano ang pang-abay na pamaraan. Ang pang-abay na pamaraan ang naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Sinasagot nito ang tanong na “paano” at may mga panandang nang, na, o -ng.
Mga halimbawa sa pangungusap:
- Sa mahinang boses ko siya tinawag.
- Masaya siyang umalis ng bahay.
- Mabilis ang aking pagsubo ng pagkain para hindi ako mahuli sa eskwela.
- Niyakap niya ito ng mahigpit bago umalis.
- Buong hapon ay naging mahimbing ang tulog ng bata sa lapag.
- Kahit malaki ang kanyang kasalanan, mahinahon siyang hinarap ng kanyang ama.
- Matamlay ang aking kilos dahil hindi ako nakapag-almusal.
- Malakas ang hampas ng mga alon.
- Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.
- Naluluha siyang nagpapasalamat sa taong tumulong sa kanya.
Iba pang halimbawa ng mga salita sa ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait, matindi, mahusay, masama, mabaho, pangit, maganda, matulin, at marami pang iba.
READ ALSO:
- Balat Sibuyas Kahulugan At Gamitin Sa Pangungusap (Sagot)
- SAAN MATATAGPUAN ANG PILIPINAS SA ASYA AT DAIGDIG? Ito Ang Kasagutan!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.