Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Tracing Wheel?”
TRACING WHEEL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isang tracing wheel at ang kahulugan nito.
Ang isang tracing wheel ay kilala rin bilang isang “pattern wheel, punce wheel, o dart wheel”. Ito ay isang instrumento na hinahawakan na mayroong maraming ngipin.
Ang mga ngipin na ito ay posibleng maging “sarrated o smooth”. Ginagamit ito sa mga slotted perforations at pag marka ng mga damit na itinatahi.
Samantala, mayroon ding “double tracing wheel”. Ito ay mayroong wheel na maaaring gumalaw at 3/4 ang pagitan sa isa’t-isa. Bukod dito, may dalawang parallel rin na mga wheels ito at posibleng iadjust sa kagustuhan ng taga gamit.
Kapag ikaw ay gustong matuto kung paano gumawa ng mga huwaran sa damit, malaking tulong ang tracing wheel. Pero anong tracing wheel pa ang dapat na gamitin?
Ayon sa blog ni Doina Alexi, ang needle point na tracing wheel ay mas malalim ang huwaran na nagagawa. Kaya naman, mas nakikita ito sa mga tela at papel.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Skill Related Fitness Examples And Different Components