Ano Ang Lathalain? (Sagot)
LATHALAIN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isang lathalain ant ang mga halimbawa nito.
Ating tandaan na ang Lathain ay ating isinusulat para maipahiwatig at ilahad ang isang balita o impormasyon. Maaari rin itong gamitin para ipalawak ang mga detalye tungkol sa isang makakatotohanang pangyayari tungkol sa isang karanasan, pananaliksik sa isang kawili-wiling paraan.
Dahil dito, matatawag natin ang isang lathalain bilang paraan upang mabigyan ng buhay at kulay ay hindi kawili-wiling imormasyon. Ang pagsusulat ng isang lathain ay nakabatay sa malikhaing kaisipan ng awtor.
Dapat lang nating tandaan na kapag kita’y gumagawa ng lathalain tungkol sa mga napapanahng isyu o balita, ay dapat naka angat sa katotohanan ang mga impormasyon na ating inilalagay. Ito’y dahil balita o mahalagang paksa ang tinatalakay.
Kaya naman, pag dating sa mga pananaliksik at pag-aaral, dapat ganun din ang gagawin kapag sumusulat. Kadalasan natin makikita ang mga lathalain sa loob ng diyaryo katulad ng mga tabloid o kaya’y mga editoryal.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Munting Pagsinta Buod At Gintong Aral Ng Kwento