Di Lahat Ng Mabuti Ay Tama Kahulugan At Paliwanag Nito
DI LAHAT NG MABUTI AY TAMA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba hindi lahat ng mabuti ay tama at hindi lahat ng tama ay mabuti.
Sa ating buhay, may mga pagkakataon na tatanungin natin ang ating sarili kung lahat nga ba ng tama ay nakakabuti. Subalit, mayroon lagi itong “gray area” kung saan may mga pagkakataon na mas mabuti na maging mali.
Atin ding tandaan na hindi lahat ng tama ay mabuti dahil may mga oras na tama ang ginawa natin pero hindi ito nakakabuti sa iba. Isang halimbawa nito ay ang pagtanggal ng mga squatter sa kanilang mga bahay.

Hindi tama na sila’y naging squatter, pero hindi rin tama na sila at ang kanilang buong pamilya at mga anak ay bigla na lamang paalisin na walang mapupuntahan.
Talagang may mga pagkakataon na ang tama ay mabuti lamang para sa iilan at hindi sa pangkaramihan. Isa rin sa mga halimbawa nito ay ang “white lies”. Ito ay ang pagsisinungaling para maka tulong sa iba.
Ang pagsisinungaling ay hindi mabuti, pero may mga pagkakataon na masasabi natin na hindi mali ang iyong ginawa. Masasabi natin na nakatulong ka pero sa maling paraan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pangngalang Lansakan Halimbawa At Kahulugan Nito
Tinanong ako ng aking guro, kung ano ang mas matimbang? tama o mabuti