Ano Ang Pagkakatulad Ng Isyung Personal At Isyung Panlipunan?
PAGKAKATULAD NG ISYUNG PERSONAL AT PANLIPUNAN – Ang mga isyung panlipunan ay madaling isalamin sa mga isyung personal na ating mararanasan. Heto ang mga halimbawa.
Bilang isang miyembro ng isang lipunan, masasabi mo talaga na ang mga isyu nito ay makakaapekto sa yo sa isang o marami pang paraan. Ito ay dahil ang mga isyu sa lipunan ay mga isyu rin ng karamihan sa mga miyembro nito.
Dahil sa isyung panlipunan, maaari kang magkaroon ng mga isyung personal. Isang halimbawa nito ay ang isyung panlipunan tungkol sa COVID-19.
Hindi madali ang buhay ng lahat ng tao dahil sa pandemya. Subalit, mayroong mga taong mas nahihirapan dahil dito. Dahil sa isyung panlipunan na ito, marami ang nagkakaroon ng “stress and anxiety”, mga isyung personal na dapat bigyang pansin.
Bukod rito, nagdulot rin ito ng depresyon para sa maraming tao. Karagdagan, na apektuhan rin ng labis ang mga mag-aaral. Dahil sa pandemya, napilitan ang maraming estudyante na mag online class.
Subalit, marami na rin ang nagrereklamo dahil dito. Kaya, masasabi rin natin na bilang isang estudyante, ang isyung panlipunan na COVID-19 ay nakaka apekto sa atin sa personal na lebel.
Maraming pagkakatulad ang Isyung personal at isyung panlipunan dahil nasasalamin ng isyung panlipunan ang mga isyung personal. Posiblen ring isalamin ng isyung personal ang isyung panlipunan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kaibahan Ng Salawikain At Kasabihan – Halimbawa At Paliwanag