Kabanata 52 Noli Me Tangere – “Baraha Ng Patay At Mga Anino” (BUOD)

Kabanata 52 Noli Me Tangere – “Baraha Ng Patay At Mga Anino” (BUOD)

KABANATA 52 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 52 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 52 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalimampu’t dalawang kabanata.

Ang Kabanata 52 ay may titulo na “Baraha Ng Patay At Mga Anino” na sa bersyong Ingles ay “The Cards of the Dead and the Shadows”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Tatlong anino ang nag-uusap sa ilalim ng pinto ng libingan sa isang malamig na gabi. Sabi ng isa, kung nakausap na ba nito si Elias.

Sagot naman ng isa na hindi pa ngunit tiyak siyang kasama ito dahil minsang nailigtas ni Ibarra ang buhay nito.

Tumugon ang isa pang anino na pumayag raw ito na sumama dahil ipadadala ni Ibarra sa Maynila ang kaniyang may karamdamang asawa. Sasalakay daw siya sa kumbento. Ang sabi naman ng ikatlong anino na sakwartel sila susugod para ipabatid sa mga gwardiya sibil na may anak na lalaki ang kanilang ama.

May dumating na isa pang anino at sinabing sinusubaybayan siya kaya naghiwa-hiwalay daw sila. Sinabi rin nito na kinabukasa ay tatanggapin na nila ang kanilang mga sandata, sabay sigaw ng “Mabuhay Don Crisostomo.”

Naiwan ang dalawang anino sa pinto. at naisipan nilang magsugal. Sabi ng isa, kung sino daw ang manalo ay maiiwan upang makipagsugal naman sa mga patay. Naibulgar ang pagkatao ng dalawa dahil sa liwanag, sina Elias at Lucas.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 51 – Mga Pagbabago
Kabanata 53 – Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala Sa Umaga

Leave a Comment