Kabanata 51 Noli Me Tangere – “Mga Pagbabago” (BUOD)
KABANATA 51 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 51 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalimampung isang kabanata.
Ang Kabanata 51 ay may titulo na “Mga Pagbabago” na sa bersyong Ingles ay “Exchanges”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Balisa si Linares dahil sa liham ng pinsang si Donya Victorina. Nais niyang hamunin ng binata ang alperes. Alam niyang seryoso ang Donya pero alanganin siya dahil wala naman siyang padrino.
Samantala, dumating naman si Padre Salvi sa bahay ni Kapitan Tiago. Masaya nitong ibinalita ang pasya ng arsobispo na pinawawalang-bisa ang pagka-eksokomunikado ni Ibarra, sabay papuri dito na kalugod-lugod naman ito ngunit may kapusukang taglay.
Ngunit sabi rin ni Salvi na tanging si Damaso na lamang ang sagabal sa pagpapatawad kay Ibarra. Pero kapag nakipag-usap kay Damaso si Maria Clara ay tiyak na patatawarin ito.
Maya-maya ay dumating si Ibarra kasama si Tiya Isabel. Kumamay naman si Padre Salvi kay Ibarra at sinabing kapupuri lamang niya sa binata.
Ilang saglit ay lumapit ang binata kay Sinang para
kausapin si Maria. Gayunman, sabi ng dalaga ay umalis na lamang ito at limutin siya ngunit nais ni Ibarra na makausap ang kasintahan.
Nagmatigas si Maria at hindi hinarap si Ibarra hanggang sa umalis ito.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 50 – Ang Mga Kaanak Ni Elias
Kabanata 52 – Baraha Ng Patay At Mga Anino