Kabanata 39 Noli Me Tangere – “Si Donya Consolacion” (BUOD)

Kabanata 39 Noli Me Tangere – “Si Donya Consolacion” (BUOD)

KABANATA 39 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 39 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 39 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung walong kabanata.

Ang Kabanata 39 ay may titulo na “Si Donya Consolacion” na sa bersyong Ingles ay “Doña Consolacion”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Kabiyak ang dating kawal at ngayon ay isang alperes si Donya Consolacion. Gusto niyang magmukhang Europa kaya panay ang paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita ng wikang Kastila.

Para sa kanya, siya raw ang pinakamagandang babae sa San Diego at mas maganda pa kay Maria Clara. Pero dating labandera lamang siya at umangat sa buhay dahil sa alperes. Gayunman, mababakas pa rin sa kaniya ang kawalan ng edukasyon.

Noong araw ng prusisyon. Iniutos niya na isara ang kanilang bahay dahil hindi ito pinayagang magsimba ng asawa niya. Hindi maganda ang trato sa kanya ng kabiyak na ikinahihiya siya at lantarang minamaliit.

Nainis siya nang marinig ang pag-awit ni Sisa na nakakulong sa kwartel. Gamit ang wikang Kastila, inutusan niyang umakyat ngunit di siya sinunod nito kaya kinuha niya ang latigo ng asawa at inihampas kay Sisa.

Inutusan niyang kumanta at sumayaw, at kapag hindi sumusunod ay latay ang inaabot ni kay Consolacion. Nahubaran pa si Sisa dahil sa pagmamalupit ng Donya.

Nakita ito ng asawa at inutusan ang mga kawal na bihisan at pakainin si Sisa kasabay ng paggamot sa mga sugat dahil ihaharap pa ito kay Ibarra bukas.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 38 – Ang Prusisyon
Kabanata 40 – Ang Karapatan At Lakas

Leave a Comment