4 Na Anyo ng Pangungusap at Kanilang mga Kahulugan & Halimbawa
ANYO NG PANGUNGUSAP – Narito ang apat(4) na anyo at kanilang mga kahulugan at mga halimbawa.
Marami sa mga aralin sa ilalim ng asignaturang Filipino ay tungkol sa pangungusap. Ito ay dahil marami itong iba’t ibang uri kaya maraming topikong sangay.
Sa elementarya, isa sa mga topikong itinatalakay tungkol sa pangungusap ay ang apat na ka-anyuan nito. Ang pangungusap ay maaaring payak, tambalan, hugnayan, o langkapan.
Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang apat(4) na anyo ng pangungusap, at kanilang mga kahulugan. Magbibigay rin tayo ng mga halimbawa sa ilalim ng bawat anyo.
4 Na Anyo ng Pangungusap, Mga Kahulugan & Halimbawa
1. Payak
Ang payak na pangungusap ay nagbibigay ng isang buong kaisipan. It ay may payak na paksa at payak na panaguri.
Mga Halimbawa:
- Umalis ng maaga si Manuel.
- Kinain ni Julian ang tinapay sa mesa.
- Bumili ng bagong aklat si Simon.
2. Tambalan
Ang tambalan na pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang malayang sugnay o sugnay na makapag-iisa. Kadalasan, ang dalawang pangungusap ay dinudugtong ng mga pangatnig tulad ng at, ngunit, habang, at subalit.
Mga Halimbawa:
- Pumunta ng paaralan si nanay habang nagtrabaho naman si tatay.
- Aalis sana papuntang Palawan sina Demetry at Flor ngunit hindi pumayag ang kanilang mga magulang.
- Naghanda ng maiinom si Jessy at si Lolie naman ay nagluto ng makakain.
3. Hugnayan
Ang hugnayan na anyo ng pangungusap ay binubuo ng isang malayang sugnay o sugnay na makapag-iisa at isang di-malayang sugnay o sugnay na di makapag-iisa. Kadalasan, ang “kung” ay ginagamit pandugtong sa dalawang sugnay.
Mga Halimbawa:
- Kung hindi man ngayon, baka bukas magbabayad na siya.
- Kung umalis siya ng maaga, malamang nakarating na siya sa Quezon ngayon.
- Hindi mo rin maabutan si Lexi kung pumunta ka.
4. Langkapan
Ang pangungusap na langkapan ay binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa.
Mga Halimbawa:
- Maglalaba ka sa umaga at maglilinis ng bahay sa hapon upang maihanda ito para sa mga bisita.
- Pupunta ng parke si Jonathan at bibili ng mga bulaklak kung hindi uulan mamaya.
- Biniyayaan sina Angel at Mike habang nanalo naman ng patimpalak si Jason kahit kapos silang tatlo sa pera.