Author: Sandy Ghaz
Date: July 18, 2019
in: Educational
Share to Facebook Share to Twitter More...

Mga Kahulugan & Halimbawa ng Di-Malayang Sugnay at Di-Malayang Sugnay

MALAYANG SUGNAY AT DI-MALAYANG SUGNAY – Narito ang kanilang mga kahulugan at halimbawa.

Isa sa mga pinakamalawan na asignatura ay ang Filipino. Ito ay itinatalakay mula pre-school hanggang kolehiyo. Ito ay naka-sentro sa pag-aaral sa wikang Tagalog.

Hindi maikakaila na minsay ay nakakalito rin ang mga aralin sa asignaturang Filipino. Kadalasan, mas bihasa pa ang mga Pinoy na mag-aaral sa Ingles.

Subalit, hindi dapat tayo tumigil sa pag-aaral ng ating sariling wika. May mga pamamaraan kung paano mapadali ang pagka-intindi natin ng mga aralin sa Filipino – isa na rito ang pag-aaral muna ng mga pundasyong topiko.

Isa sa mga topiko na masasabing pundasyon sa pag-aaral ng iba pang mga topiko sa Filipino ay ating pag-aaralan sa artikulong ito.

Malayang Sugnay at Di-Malayang Sugnay

Ngayon, ating tatalakayin ang kahulugan at halimbawa ng malayang sugnay at di-malayang sugnay.

Malayang Sugnay

  • Ito ay tumutukoy sa sugnay na makapag-iisa. Mayroon itong simuno at panaguri at nagpapahayag ng isang buong ideya.

Mga Halimbawa:

  • Umalis ng maaga si Jaime.
  • Binigyan ng tsokolate ni Dante si Mina.
  • Walong biik ang inihanda para sa kaarawan niya.
  • Pupunta ng simbahan sina Jules at Romina.
  • Nagluto ng hapunan ang nanay.
  • Nagtinda ng buko ang magkapatid sa parke.
  • Binigyan siya agad ng pera ni Aling Pasing.
  • Sa bayan na mag-aaral si Rommel.
  • Tumalon ng mataas ang bata nang walang takot.
  • Kunin mo ang kumot sa kama.

Di-Malayang Sugnay

  • Ang sugnay na ito ay sugnay na hindi makapag-iisa. Hindi ito nagpapahayag ng isang buong ideya. Minsan walang simuno, minsan naman walang panaguri.

Mga Halimbawa:

  • Kung pupunta ka
  • Sakaling uulan mamaya
  • Kahit hindi pa siya tapos
  • Kung darating ang mag-ama
  • Kahit gabihin pa
  • Sakaling darating sila Rey
  • Kahit wala pa ang doktor
  • Kung aalis siya nang maaga
  • Sakaling papayag ang ahente mo
  • Kahit wala kang pera

Maraming salamat sa pagbisita sa pahinang ito. Sana’y marami kayong natutunan mula rito.

BASAHIN RIN: Ng At Nang – Kaibahan & Wastong Paggamit ng “Ng” at “Nang”

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Malayang Sugnay at Di-Malayang Sugnay – Kahulugan & Mga Halimbawa". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.