ANO ANG PANG-URI – Kahulugan, Halimbawa Ng Pang-uri

Ano Ang Pang-uri? Narito ang Kahulugan, Halimbawa ng Pang-uri

ANO ANG PANG0-URI – Narito ang kahulugan at mga halimbawa ng pang-uri.

Isa sa mga bahagi ng pananalita na itinuturo sa mga mag-aaral sa elementarya ay ang pang-uri. Marami ang maaring magtanong, “Ano ang pang-uri?”.

ANO ANG PANG-URI

Ano ang pang-uri?

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan, ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang pangngalan.

Halimbawa ng Pang-uri:

  • Maganda
  • Bilog
  • Pulang-pula
  • Ningas-kugon
  • Mataas
  • Araw-araw
  • Seryoso
  • Balat-sibuyas
  • Mapagbigay

Halimbawa ng Paggamit ng Pang-uri sa Pangungusap:

  • Maganda ang asawa ni Mang Tonyo kahit may edad na ito.
  • Hugis bilog ang dala niyang tinapay para sa mga bata.
  • Pulang-pula ang nabili na damit ni Theresa para sa kaarawan niya.
  • Talagang ningas-kugon si Dino kaya hindi umunlad ang pamumuhay nila.
  • Mataas ang gusali na ipinatayo malapit sa kanto.
  • Araw-araw umaalis si Dexter para magtrabaho sa bayan.
  • Seryoso si Juliet sa sinabi niya kaya hindi na umatras si Ive.
  • Huwag ka nang magtaka, talagang balat-sibuyas siya.
  • Mapagbigay talaga ang pamilya nina Josue at Roxanne kaya maraming biyaya ang dumarating sa kanila.

Kayarian ng Pang-uri

Bukod sa tanong na, “Ano ang pang-uri?”, kadalasan isa sa mga takdang-aralin ng mga bata ay ang kayarian ng pang-uri. Ang ganitong bahagi ng pananalita ay may apat na kayarian:

  • Payak
  • Maylapi
  • Inuulit
  • Tambalan

Para sa kahulugan at halimbawa ng bawat kayarian ng pang-uri, bisitahin: Kayarian ng Pang-uri

Bukod sa kayarian, ang pang-uri ay mayroon ding antas o kaantasan. May tatlong(3) antas ang ganitong bahagi ng pananalita – Lantay, Pahambing, at Pasukdol.

Para sa kahulugan at halimbawa ng bawat antas o kaantasan ng pang-uri, bisitahin: Antas ng Pang-uri

3 thoughts on “ANO ANG PANG-URI – Kahulugan, Halimbawa Ng Pang-uri”

Leave a Comment