Ang Maikling Kwento Tungkol kay Inday at sa Bago Niyang Selpon
MAIKLING KWENTO – Narito ang isang maikling kwento tungkol kay Inday at sa kanyang bagong selpon.
“Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon”
Malapit nang makatapos ng elementarya si Inday at parehas silang nasasabik ng nanay niya sa pinakahihintay na araw. Si Aling Peling halos hindi na makatulog kaka-isip kung ano ireregalo sa nag-iisang anak.
Isang araw, namasyal si Inday sa bahay ng isa niyang kaibigan at nagkaroon ng oras si Aling Peling na bumili ng sorpresa para sa anak. Dali-dali siyang pumunta sa pamilihan at doon nakakita siya ng isang selpon.
“Sakto to. Medyo malayo ang paaralan na papasukan ni Inday sa sekondarya, kakailanganin niya ‘to,” sabi ni Aling Peling sa sarili.
Nagkasya ang pera ng matanda para sa bagong selpon na ireregalo sa anak sa pagtatapos niya sa elementary. Pagkauwi nito sa bahay, agad niya itong binalot at itinago sa kanyang aparador.
Lumipas ang isang linggo at dumating na ang araw na pinakahihintay nina Aling Peling at Inday. Mangiyak-ngiyak ang matanda habang isinusuot sa anak ang medalya sa ibabaw ng entablado.
Pagkatapos ng seremonya, nagpakuha ng litrato ang mag-ina. Inabot rin ni Aling Peling ang kanyang sorpesa kay Inday na agad naman nitong binuksan.
“Naku! Bagong selpon? Yehey! Salamat Nanay! May selpon na ako,” sigaw ng anak.
Simula noong gabing iyon, palagi nang nakatutok sa selpon si Inday. Kahit bakasyon, malimit sila kung makapag-usap ng nanay niya. Palagi niya kasing ka-text si Rico o ‘di kaya ay nagtatawagan sila.
“Alam mo bessy, magkikita kami ni Rico bukas. Sa wakas makikilala ko na rin siya. Siguro guwapo siya no, matangkad, maputi,” kwento ni Inday sa kaibigan niya.
Narinig ni Aling Peling ang mga sinabi ni Inday kay Fiona tungkol kay Rico. Tinawag niya ang anak at kinausap ito.
“Teka bessy tawag ako ni Nanay. Tatawag na lang ako sa’yo ulit. Bye! Nay, bakit po?” tanong ni Inday sa ina.
“Ano yung narinig kong makikipagkita ka sa hindi mo kakilala? Ganun ka ba ka kampante na mabuting tao yan, e, sa selpon mo lang nakilala,” sabi ni Aling Peling sa anak.
“Kaya nga po magkikita kami nay upang magkakilala kaming dalawa. Hirap naman sa inyo minsan na nga lang ako lumabas marami pa akong maririnig,” sabi ni Inday bago padabog na pumasok sa kwarto niya.
BASAHIN RIN: Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas
Nagulat si Aling Peling sa inasal ng anak. Dati-rati ay ni hindi ito magawa na sagutin siya nang ganun. Nagtimpi na lang ang matanda at ipinagpatuloy ang pagluluto ng kanilang hapunan.
Kinabukasan, pagka gising ni Aling Peling ay wala na ang anak sa tabi niya. Inisip niya na lang na umalis na siguro yun at sana’y mag-iingat siya. Hindi man lang nagpaalam si Inday sa ina niya.
Bumangon na ang matanda, nagluto ng almusal, at inihanda ang kanyang mga paninda sa araw na iyon. Pagkatapos kumain ay lumakad na siya dala-dala ang kanyang mga lutong bibingka.
Naglako si Aling Peling malapit sa parke. Marami ang bumili sa kanya at noong papaalis na siya para umuwi ay nakita niya si Inday mula sa malayo. Kahit hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng anak, alam niyang umiiyak ito.
“Nak! Inday! Anong nangyari sa ‘yo ba’t ka umiiyak?” tanong ng matanda sa anak.
“Nay nawawala po si Rico! Dala-dala niya po yung bag ko. Kanina nag-uusap lang kami rito tapos biglang naiihi raw siya kaya umalis saglit,” sabi ng anak habang umiiyak.
Kinuwento ni Inday na nagkita sila ni Rico sa parke at pagkatapos ng isang oras na pag-uusap ay nag-presenta itong bitbitin ang bag niya. Habang naglalakad sila ay isinabit ng binata ang bag ni Inday sa kanya kung kaya’t nahiya na siyang kunin ito.
Kasama sa nawalang bag ni Inday ang bagong selpon na ipinag-ipunan at binigay ng nanay niya sa kanya. Lubos ang kanyang pagsisisi dahil hindi siya nakinig kay Aling Peling.
Ano ang masasabi mo sa maikling kwento na ito? Pwede mong ibahagi ang iyong reaksyon o ang aral na iyong natutunan mula sa maikling kwento sa pamamagitan ng komento.
Ilan sa mga aral na makukuha sa maikling kwento na ito:
- Pahalagahan ang mga pinaghihirapan ng mga magulang
- Huwag magsisinungaling kahit mabuti pa ang dahilan
Iba pang mga maikling kwento:
- Si Baste At Ang Aso Niyang Si Pancho
- Si Juan Na Laging Wala Sa Klase
- Si Amboy At Ang Saranggola Na ‘Di Marunong Lumipad
- Si Pepe At Ang Bato Ni Lola Pacing
- Ang Babaeng Nakadungaw Sa Malaking Bintana
- Ang 12 Kahilingan ni Benny sa Pasko
- Si Alas At Ang Ginintuan Niyang Puso
- Ang Agila at ang Itim na Sisiw ni Jose
- Si Julio At Ang Sapatero Sa Kanto
- Tagalog Short Stories: 5 Halimbawa Ng Maikling Kwento Na May Aral
- Tagalog Short Stories: 5 Maikling Kwento Para Sa Mga Bata
- Tagalog Short Stories: 5 Maikling Kwento Tungkol Sa Pamilya
Please answer my question
ano ang mahahalagang bagay tungkol sa “Si inday at ang bago niyang cellphone”
Ang mahalagang bagay na dapat tandaan sa kwentong ito ay ang pagiging maingat sa pakikipagkaibigan. Huwag muna basta bastang makikipagkita sa kung sino mang tao na hindi mo pa kilalang masyado. Kailangan ding may kasama kang tapat at matalik na kaibigan kahit saan ka man pumunta para na rin sa seguridad nyo.
Isa pang bagay na dapat tandaan, maging bukas sa mga magulang kung anuman ang nangyayari sa buhay dahil sila lang naman ang tutulong sayo. gawin nyong kaibigan ang iyong mga magulang dahil sila ang mas nakakaalam ng mas mabuti saiyo.