Tagalog Short Stories: 5 Maikling Kwento Tungkol Sa Pamilya

5 Tagalog Short Stories o Maikling Kwento Tungkol Sa Pamilya

TAGALOG SHORT STORIES – Narito ang limang (5) halimbawa ng mga maikling kwento tungkol sa pamilya.

Tagalog Short Stories

1. Ang Lumang Tren Sa Purok Mahinahon

Matagal na rin simula noong maaksidente ang lumang tren sa Purok Mahinahon ngunit hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng maraming tao. Isang araw, nalaman ng batang si Camilo kung ano talaga ang nangyari.

Nalagay sa kalagitnaan ang bata – sa pagitan ng pagbibigay hustisya sa pagkamatay ng ama ng kaibigan niya o pagtakip sa nagawang kasalanan ng mga magulang at kapitbahay niya.

Basahin ang kabuuan ng maikling kwento tungkol sa lumang tren sa Purok Mahinahon.

2. Si Julio At Ang Sapatero Sa Kanto

Hindi alam ng batang si Julio kung sino talaga ang tatay niya. Masaya na siya sa kanyang buhay kasama ang kuya Dante niya at nanay Nena. Subalit, isang araw, sa ‘di inaasahan ay nagpakita ang ama ng bata.

Ayaw ni Aling Nena na ipakilala si Julio sa ama niya. Ayaw niyang masaktan ang anak kung kaya’t tinago niya ang pangyayari ngunit kahit anong tago niya nito ay nalaman pa rin ng bata.

Basahin ang kabuuan ng maikling kwento tungkol kay Julio at sa sapatero sa kanto.

3. Ang Agila at ang Itim na Sisiw ni Jose

May isang itim na sisiw ang inahin na alaga ni Jose. Hindi alam ng bata na palagi itong inaaway ng kanyang mga kapatid dahil sa kakaiba niyang kulay. Sinabihan pa ito na sana kunin na siya ng agila dahil pangit siya.

Isang araw, pumunta nga ang agila kung saan nakatira si Jose, ang pamilya niya, at ang mga alaga nilang manok. Hindi ito napigilan sa pagkuha ng gusto nitong kunin.

Basahin ang kabuuan ng maikling kwento tungkol sa agila at sa itim na sisiw ni Jose.

4. Si Alas At Ang Ginintuan Niyang Puso

Magka-away ang pamilya ni Alas at ang pamilya ng kaibigan niyang si Diego. Matalik silang magkaibigan na parang magkapatid na. Subalit, nagkaroon din ng lamat ang kanilang samahan dahil sa mga maliliit na bagay na nagpatong-patong.

Nagkaroon ng bagong mga kaibigan si Diego at may mga ‘di kaaya-ayang payo sila sa sa binata. Mananaig kaya ang dating turingan nila ni Alas na parang magkapatid na?

Basahin ang kabuuan ng maikling kwento tungkol kay Alas at sa ginintuan niyang puso.

5. Ang Bahay na Marmol sa Gitna ng Gubat

Nais ng mag-asawang sina Rodel at Cynthia na bigyan ng kakaibang karanasan sa bakasyon ang kanilang dalawang anak na sina Rolly at Cindy. Dinala nila ang dalawa sa kagubatan ng Darib.

Pagdating nila roon, may kakaibang marmol na bahay na sa gitna ng gubat. Ipinagbawalan ang mga bata na pumunta roon ngunit talagang nagtataka sila kaya bumalik pa rin sila.

Basahin ang kabuuan ng maikling kwento tungkol sa bahay na marmol sa gitna ng gubat.

Leave a Comment