ANO ANG TUON NG PANDIWA – Naitala sa ibaba ang iba’t ibang tuo ng salitang pankilos sa isang pangungusap at ang mga halimbawa ng bawat isa.
Maraming uri ng bahagi ng pananalita at isa sa kanila ay ang pandiwa. Ito ay may iba’t ibang antas at tuon. Para malaman kung ano ang tuon ng pandiwa sa isang pangungusap, mahalagang malaman ang iba’t ibang uri ng tuon na siyang tatalakayin natin.
TUON NG PANDIWA: 7 Iba’t Ibang Klase at mga Halimbawa
Kilalanin ang Pitong (7) Tuon ng Pandiwa, Mga Halimbawa
TUON NG PANDIWA – Narito ang pitong (7) tuon ng pandiwa at ang mga halimbawa ng bawat isa.
Isa sa mga bahagi ng pananalita na kadalasan ay mababasa sa mga pangungusap ay ang pandiwa. Ito ay tumutukoy sa mga salita na nagsasaad ng kilos o galaw ng tao, hayop, bagay, o pangyayari.
Ang ilan sa mga halimbawa ng pandiwa ay ang takbo, umalis, humanga, niluto, umasa, binitbit, purihin, at kinunan.
Ang pandiwa ay may pitong (7) tuon na nagpapakita ng relasyon sa pagitan ng simuno at ng kilos. Ang mga ito ay ang aksyon, karanasan, ganapan, tagapagtanggap, gamit, pangyayari, at direksyon.
Pitong (7)
1. Aksyon – Sa aksyon na tuon ng pandiwa, ang simuno o paksa ang gumagawa ng kilos o galaw. Ito ay sumasagot sa tanong na “sino”. Narito ang mga halimbawa:
- Si Jake ay umalis ng bansa kaninang madaling-araw.
- Apat na hardinero ang umayos sa hardin ng Pamilya Cojuangco.
- Sina Blessy at Kimpoy ang nagluto para sa mga bata.
2. Karanasan – Ang ganitong tuon ng pandiwa ay sumasagot sa tanong na “ano”. Dito, ang simuno o paksa ang layon ng pandiwa. Narito ang mga halimbawa:
- Ang mainit na tubig ay inihanda ni Aling Nena.
- Binigay ni Carlo
ang pera . - Ang magandang damit ay inuwi ni Luna ng walang paalam.
3. Ganapan – Isa sa pitong(7) tuon ng pandiwa ay ang ganapan. Sa ganitong tuon, ang simuno o paksa ay siya ring lugar kung saan nagaganap ang kilos o galaw. Mabilis itong matutukoy sa pagsagot nito ng tanong na “saan”.
Narito ang mga halimbawa:
- Sa parke nagtagpu-tagpo ang magbarkada.
- Dumaan si Louise sa tindahan.
- Ang tyangge ang pinagbilhan ni Rosa ng ulam.
4. Tagatanggap – Sa tuon na ito, ang simuno o ang paksa ng pangungusap ang tumatanggap ng kilos ng pandiwa. Matutukoy ito sa pamamagitan ng pagtatanong na “para kanino”. Narito ang mga halimbawa:
- Sina Mark at Kiko ay ibinili ni Mang Tonyo ng ice cream.
- Ibinigay sa apat na bata ang natitirang pagkain.
- Ang mga aso ay kinuha na ni Selva.
5. Pangyayari – Sa pangyayari na tuon ng pandiwa, ang simuno ng pangungusap ay ang ugat o sanhi ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa katanungan na “bakit”.
Narito ang mga halimbawa:
- Ikinabigla ni Dante ang pagpanaw ng pinsan niyang si Paul.
- Ang mainit na panahon kahapon ang ikinasakit ng ulo ni Margie.
- Ikinagalit ni Mang Carding ang pagkawala ng manok niya.
6. Gamit – Sa tuon na ito, ang simuno ng pangungusap ang ginagamit upang maisagawa ang kilos o galaw. Narito ang mga halimbawa:
- Ipinambutas niya ng papel ang dalang gunting.
- Ipinang-alis niya ng mantsa ang biniling kalamansi sa palengke.
7. Direksyon – Ang ganitong tuon ng pandiwa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos o galaw. Maari itong matukoy sa pamamagitan ng pagtatanong ng “patungo saan o kanino”. Narito ang mga halimbawa:
- Pinuntahan ni Carlos ang lugar kung saan una silang nagkakilala ni Trina.
- Nilakbay ni Damian ang daan patungong Sta. Rosario upang makauwi ng maaga.