Ano ang panghalip na panaklaw at mga halimbawa nito?
PANGHALIP NA PANAKLAW – Ito ang uri ng panghalip na ginagamit sa kaisahan, dami, o kalahatan ng mga pangngalan.
Mayroong limang (5) uri ang panghalip. Ang limang uri na ito ay ang mga sumusunod:
At sa sulating ito, tatalakayin natin ang panaklaw o ang uri ng panghalip na sinasaklaw ang kaisahan, dami, bilang, o kalahatan ng tinutukoy na tao, bagay, hayop, o pook. Sa Ingles, ito ay tinatawag na indefinite pronoun.
Mga uri nito:
- Tiyakan
- Kaisahan – isa, iba
- Kalahatan – ilan, marami, karamihan, lahat
- Di-tiyakan
- sinuman, anuman, saanman, kailanman, alinman, ilanman, magkanuman
Mga halimbawa sa pangungusap:
- Ang lahat ay dapat maging handa sa paparating na bagyo.
- Bawat isa sa ating ay may kanya-kanyang responsibilidad ginagampanan sa komunidad.
- Ang premyo ay na napanalunan ay maaaring mapunta sa kaninuman na magwawagi sa paligsahan.
- Ilan sa amin ay hindi pa sigurado kung anong kurso ang kukunin sa kolehiyo.
- Sinuman ang makapagturo ng suspek ay may karampatang pabuya.
- Pwede kang pumili ng alinman sa mga damit na ito para sa pupuntahan mong kasal.
- Saanman tayo mapunta, gusto ko ikaw lang ang kasama.
- Lahat ng estudyante ay kailangang pumunta sa school gymnasium.
- Bawat isa ay kailangang magpaturok bilang laban sa COVID-19.
- Ilan sa iyo ang naniniwala sa aking kwento?
Ito ay uri ng panghalip na tumutukoy sa pangngalan na hindi tiyak kung ano o sino. Ang tinutukoy ay maaring isa or maramihan. Ito ay ginagamit din bilang panghalili o pamalit sa pangngalan na maaring kaisahan o kalahatan.
READ ALSO:
- The Seven Ages Of Man Poem By William Shakespeare
- Uri Ng Panghalip At Halimbawa (Alamin At Pag-aralan)
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.