Pagsasalaysay – Kahulugan, Halimbawa, At Uri Ng Pagsasalaysay

Ano ang pagsasalaysay at mga uri nito?

PAGSASALAYSAY – Ang pagsasalaysay ay naglalayong magkwento na maaring pasulat o pasalita. Ito ang mga halimbawa nito.

Likas sa tao na magbahagi ng kwnto tungkol sa kanyang mga karanasan o karanasan ng iba. At sa pagsalaysay, ating kinukwento ang ating mga karansan o pangyayari sa isang maayos at organisadong pamamaraan.

Mahalagang ang paggamit ng tamang gramatika, diskorsal, at estratehiya.

Ilan sa mga mapagkukunan natin na paksa ay ang ating mga sariling karanasan, mga kwento mula sa iba, napanood, mga likhang-isip, mga panaginip, ating mga pangarap, at mula sa ating mga nabasa.

Pagsasalaysay

Narito ang ilang uri:

  1. Maikling Kuwento
  2. Tulang Pasalaysay
  3. Dulang Pandulaan 
  4. Nobela
  5. Anekdota
  6. Alamat
  7. Talambuhay 
  8. Kasaysayan 
  9. Tala ng Paglalakbay

Bakit tayo nagsasalaysay. Ang mga posibleng layunin kung bakit natin ito ginagawa ay magbigay aliw sa iba, magpahayag ng aral, magbahagi ng mensahe, pagpapakilala sa kultura at tradisyon, magpahayag ng damdamin, magpakita ng imahinasyon, maghayag ng saloobin, magbigay ng impormasyon, at marami pang iba.

Halimbawa ng Pagsasalaysay:

Isa rin akong OFW dito sa Dubai.

Tama si Miss S. A. sa kanyang kwento at babala para sa ating mga kababayan na nagnanais pumunta ng Dubai. Ang Dubai ay masasabi kong hindi tunay na PARAISO, sa halip kung minsan ay SAKRIPISYO.

Noon sa Pilipinas simple lang ang buhay ko. Kahit papano tatlong beses din naman kumakain sa maghapon. Tama lang ang ulam, masarap din naman sa simpleng panlasa at sigurado rin ang sustansya.

Masarap sa pakiramdam na kasama ang pamilya, nakakalaro ko ang mga anak ko. Hanggang sa nabalitaan ko ang Dubai. Maganda raw, malaki sweldo, madali ka raw aasenso at higit sa lahat madali lang makatuntong sa bansang ito.

Nakilala ko kababayan natin na galing sa Dubai. Ang galing nyang mangusap, makamandag ang dila. Tango lang at puro “Ah, Oo, ganun ba?” lang ang masasabi mo sa husay niyang mambola. May kilala raw siyang employer. Naenganyo ako mag-apply kahit tutol ang misis ko.

Kailangan daw ang P60,000 para sa ticket at Visa. Ang sweldo raw ay 2,000 dirhamo at libre na tirahan. Sa loob-loob ko 2-3 months pala ay mababawi ko na yun gagastusin ko. Buo na ang desisyon ko. Pagkakataon ko na marahil ito, nasambit ko sa sarili.

Basahin dito ang kahulugan ng salaysay – Halimbawa Ng Pagsasalaysay: Mga Halimbawa Ng Pagsasalaysay

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment