Ambag Ng Kabihasnang Indus – Ano Ang Kanilang Kontribusyon?

Ano ang mga iba’t ibang ambag ng Kabihasnang Indus sa mundo?

AMBAG NG KABIHASNANG INDUS – Ang Kabihasnang Indus ay maunlad at ito ang kanilang mga ambag na malaki ang naging tulong sa ngayong panahon.

Ang lupain ng Indus ay mas malawak sa lupain ng sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng Hilagang-Kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan sa kasalukuyang panahon ang Pakistan.

Ang lupain ng Indus ay may sukat na 3,185,019 square kilometer.

Noong 1920, natagpuan ang mga labi ng dalawang malalaking lungsod sa tabi ng ilog Indus – ang lungsod Harappa at lungsod Mohenjo-daro. Base sa mga dalubhasa, mga Dravidian ang unang bumuo sa kabihasnang ito, isa sa tatlo na pinakamatatandang kabihasnan ng mundo.

Kabihasnang Indus

Sa mga natuklasang mga kabahayan at gusali ng kanilang pamayanan, napatunayan na ang kanilang pamumuhay ay progresibo. Ang kanilang mga tirahan ay yari sa bloke ng mga bato. Natuklasan din na ang daluyan ng tubig sa ilalim ng lupa at ito ay konektado sa lahat ng mga kabahayan.

Bukod sa matibay ang pagkakagawa sa kanilang mga bahay, ang sukat ng bahay pati na ang kanilang mga kalsada ay planado, organisado, at magkakapareho ang mga sukat. Pero isa sa mga hindi natagpuan ay mga sandata o armas at ito ay nagpapatunay na mapayapa ang kanilang pamumuhay sa kabihasnang ito.

Ang kanilang mga naiambag ay napakarami lalo na sa mga aspeto ng pandaigdigang kasaysayan, kultura, turismo, relihiyon, pangkabuhayan, pagsasaka, pangangaso, pangangalakal, sining, pangkalusugan, at pagpapaganda. Sa kanila rin nagsimula ang paggamit ng mga alternatibong medisina at herbal.

Mga ambag:

  • Mahabharata, ang pinakamahabang epiko na nagtatalakay tungkol sa pakikidigma
  • Ramayana, isang klasikong epiko na tungkol sa pagkakaisa ng mga pamilyang Indus
  • Ayurveda o agham ng buhay
  • Sanskrit, ang salitang Indus na hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa
  • ang mga relihiyong Sikhisim, Hinduism, Buddhism, at Jainism

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment