Mga Uri Ng Pangungusap Na Ayon Sa Kayarian

MGA URI NG PANGUNGUSAP – Ang isang pangungusap ay maaring tukuyin ayon sa kanyang kayarian at ito ang mga halimbawa.

Ang mga pangungusap ay mayroong apat na uri ayon sa kayarian – payak, tambalan, hugnayan, at langkapan. Ito ang mga kahulugan ng mga ito kasama na ang mga halimbawa ng bawat uri.

Uri Ng Pangungusap Ayon Sa Kayarian At Mga Halimbawa Nito

Ano ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian?

URI NG PANGUNGUSAP – May apat (4) na uri ng pangungusap ayon sa pagkabuo o kayarian at ito ang ilang mga halimbawa.

Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na may isang buong diwa. Ito ay maaring isang salita lamang o grupo ng mga magkakaugnay na salita na nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan.

Ito ay binubuo ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa na may diwang buo.

Ang mga uri nito ay maaring ayon sa gamit at ayon sa kayarian. Ang mga klase na naaayon sa gamit ay pasalaysay, pautos, patanong, padamdam, at pakiusap. Samantala, ang mga pangungusap naman ayon sa kayarian ay may apat na klase.

Uri Ng Pangungusap

Ito ang mga uri ayon sa klase at ang kanilang mga halimbawa:

  • Payak (isang diwa ang tinatalakay)

Halimbawa:

  1. Ako ang magtatapon ng basura.
  2. Ang aso ay namatay.
  3. Ikaw ang kumuha ng mga pinggan.
  • Tambalan (may higit sa dalawang kaisipan at ginagamitan ng pangatnig na magkatimbang tulad ng at, pati, saka, o, ni , maging, ngunit)

Halimbawa:

  1. Ako ang gumawa ng problemang ito at ako ang maghahanap ng solusyon.
  2. Magsisipag ka ba tulad ni Kim o magdurusa ka habang buhay?
  3. Kunin mo na ang mga pinggan saka ang mga baso.
  • Hugnayan (binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa at ginagamitan ng pangatnig na di-magkatimbang tulad ng kung, nang, bago, upang, kapag, dahil sa, sapagkat)

Halimbawa:

  1. Kinuha ko ang mga bulaklak upang ibigay para sa iyo.
  2. Habang nagsusulat ako, nakikinig ako sa radyo.
  3. Bago pa ako makarating sa bahay, umalis na siya ng hindi man lang nagpapaalam.
  • Langkapan (binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa at                                                sugnay na di nakapag-iisa)

Halimbawa:

  1. Si Ruth ay tumakbo sa pagka-SK chairman at nanalo siya nang suportahan ng kanyang mga kaibigan.
  2. Hugasan mo ang mga pinggan at patuyuin ang mga ito bago ka maglaro.
  3. Kung aalis ka ngayon, maligo ka at magpalit ng malinis na damit.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment