Isyu Ng Migrasyon – Ano Ang Mga Isyung Kalakip?

Ano ang mga isyu ng migrashon? Alamin dito!

ISYU NG MIGRASYON – Pag-asa nga bang maituturing sa mga Pilipino ang migrasyon? Ito ang mga isyung kalakip dito.

Ang migrasyon ay tumutukoy sa isang tao na nagmula sa isang pook papunta sa sa ibang lugar na maaring panandalian o pang-matagalan, pansamantala o permanente. At milyon ang mga Pilipino na nag-migrate mula sa Pilipinas patungo sa ibang teritoryo.

Marami ang mga dahilan sa likod nito.

Kabilang na dito ang mas malaking kita sa ibang bansa, kaligtasan, nais na makasama ang pamilya, mas maayos na edukasyon, mas marami ang oportunidad, paghanap ng kapayapaan, at marami pang iba.

Isyu Ng Migrasyon

Subalit hindi lahat ng mga magagandang bagay ay makukuha sa migrasyon, Umusbong rin ang mga isyu at problema.

Ilan sa mga isyu na kalakip ng migrasyon ay:

  • Forced Labor – Maraming mga trabahanteng Pinoy ang namamatay dahil sa sapilitang pagpapatrabaho. Ilan sa kanila ay biktima rin ng human trafficking. Ang forced labor ay pwersadong pagtatrabaho na ginagamitan ng pananakot at dahas.
  • Human Trafficking – Ito ang pagrerecruit, pagtatago, paglilipat, o pagtanggap ng mga tao sa di tamang pamamaraan. Ang mga di tamang paraan na ito ay paggamit ng dahas, pag-kidnap, panloloko, at pampe-pwersa.
  • Slavery – Ito ang sapilitang pagpapatrabaho sa isang tao na ang pagtrato sa kanila ay tila isang bagay na pagmamay-ari. Ginagawa siyang alipin at inaalisan ng maraming karapatan.

Isa sa mga di magandang epekto ng migrasyon ay ang pakikinabang ng ibang mga bansa sa mga talento at skills ng mga Pilipino na dapat ay bansa ang makikinabang. Ang mga OFWs ay kailangan ring magtiis ng napakahabang panahon na malayo sa kanilang mga pamilya para magkaroon lamang ng sapat na kita.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment