Ano ang mga uri ng tekstong impormatibo? Talakayin natin.
URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO – Ito ang tatlong uri ng tekstong impormatibo at pagpapaliwanag sa bawat uri nito.
Iba-iba ang uri ng teksto. Mayroong naratibo, argumentatibo, persweysib, deskriptibo, at impormatibo. At sa sulating ito tatalakayin nating kung ano ang tekstong impormatibo. Ito ang teksto na naglalayong “magbigay kaalaman sa mga mahahalagang pangyayari”.
Ang mga katangian nito ay:
- ito ay objective at hindi nagbibigay ng opinyon
- nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari
- sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano.
At ang mga katangiang ito ay nagtatalakay sa mga uri ng tekstong ito.
Ang tatlong uri nito ay:
- Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Ito ay base sa mga pangyayari na totoong naganap. Isang halimbawa nito ay ang sulat ng isang reporter na personal na nasaksihan ang isang kaganapan. Inilalahad nito kung sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang lahat. - Pag-uulat Pang-impormasyon
Ito ang uri na ang layon ay makalahad ng mahalagang kaalaman o impormasyon tungkol sa isang tao, hayop, at iba pang bagay. Ito ay maaring magsaklaw ng mga paksa tungkol sa teknolohiya, global warming, cyberbullying, at marami pang iba. Ito ang mga klase na nangangailangan ng masusing pananaliksik dahil ang mga detalye ay kailangan makatotohanan. - Pagpapaliwanag
Ito ang uri na naglalayong ipaliwanag kung paano naganap ang isang pangyayari. Ang layunin ng ganitong sulatin na ipagbigay alam kung paano ang isang bagay ay humantong sa kanyang kalagayan sa kasalukuyan. Halimbawa ay ang mga iklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka, langaw, at iba pa. Ang iba ay ginagamitan ng larawan, dayagram, o flowchart na may paliwanag.
READ ALSO:
- Makasaysayang Lugar Na Sa Pilipinas Mo Lang Makikita
- Elemento At Prinsipyo Ng Sining – Alamin At Pag-aralan
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.