Katangian Ng Tekstong Impormatibo – Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Katangian Ng Tekstong Impormatibo? (Sagot)

TEKSTONG IMPORMATIBO – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng katangian ng tekstong impormatibo at ang mga kahulugan nito.

Una sa lahat, atin munang alamin kung ano nga ba ang tekstong impormatibo. Ayon sa nakalipas nating artikulo, ang tekstong impormatibo ay isang uri ng teksto na nagtataglay ng impormasyon sa mga mahahalagang pangyayari. Ito ay may laman na tiyak na impormasyon sa isang pangalan.

Mayroong tatlong uri ng tekstong impormatibo na naglalarawan sa mga katangian nito. Bilang tekstong impormatibo, ang nilalaman nito ay nararapat lamang na makapag-bibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.

Katangian Ng Tekstong Impormatibo – Halimbawa At Kahulugan

Kahit na mayroong iba’t-ibang uri nito, dapat lamang natin isaalang-alang ang paraan ng pagbibigay nito ng impormasyon.

Layunin nitong magbigay kaalaman tungkol sa mga konkretong impormasyon para sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Tinatawag na‘objective’ ang mga tekstong impormatibo dahil walang halong anumang opinyon.

Kabilang sa mga ito ay ang mga kuwentong nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mga babasahing mayroon tayo sa paaralan tulad ng mga pangakademiko o batayang aklat. Kadalasang sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kahalagahan Ng Kwentong Mito – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment