Alamin kung ano ang tekstong impormatibo at ang isang halimbawa nito.
ANO ANG TEKSTONG IMPORMATIBO – Pagtalakay sa isang uri ng teksto, ang tekstong impromatibo at magbigay ng halimbawa nito.
Ang pagsusulat ng teksto ay maaring gawin sa maraming paraan. Ito ay may iba’t ibang uri at isa na dito ang tekstong impormatibo. Ito ay tinatawag na “informative text” sa Ingles at ito ang uri na naglalahad ng impormasyon at detalye.
Ito ang uri na nagbibigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa isang tao, bagay, lugar, pangyayari at iba pang maaaring maging paksa.
Ang mga detalye at impormasyon ay batay sa mga pangyayari na totoong nangyari na naglalahad ng kaisipan sa tamang pagkasunod-sunod ng mga mahahalagang detalye. Ito ay nangangailangan ng pananaliksik para ebidensya na may katotohanan ang iyong ibinabahagi.
- Layunin ng may Akda
- Pangunahing Ideya
- Pantulong na kaisipan
- Mga Estilo sa Pagsusulat, Kagamitan, Sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyan-diin:
- Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
- Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita
- Pagsusulat ng mga Talasanggunian
Ang ganitong urin ng teksto ay karaniwang makikita sa mga pahayagan, balita, magasin, textbook, encyclopedia, mga website sa internet, at iba pa. Dahil sa gaitong mga teksto, ang ating mga kaalaman ay nadadagdagan at napagyayaman pa ang dating kaalaman natin.
Basahin ang halimbawa:
Ang ating pambansang bayani ay si Doctor Jose Protasio Alonso Mercado Y Realonda Rizal. Anak siya ng mag-asawang Teodora Alonso at Francisco Mercado.
Ipinanganak siya noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Namatay siya noong ika- 30 ng Disyembre taong 1896 sa pamamagitan ng firing squad. Marami siyang tinapos na kurso kabilang na ang medisina.
Isa rin siyang pintor at iskulptor. Ngayong Disyembre 30, 2019 ang ika- isangdaan at dalawampu’t tatlong taong anibersaryo ng kanyang pagkamatay.
READ ALSO:
- Kasarian Ng Pangngalan Halimbawa – Ano Ang Mga Kasarian Nito?
- Ano Ang Balangkas At Ang Tatlong (3) Uri Nito?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.