Ano Ang Mga Elemento Ng Tekstong Impormatibo? (Sagot)
TEKSTONG IMPORMATIBO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga elemento ng isang tekstong impormatibo at ang mga halimbawa nito.
Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay alam sa madla tungkol sa isang paksa, pangyayari, o balita sa paraan na malinaw, konkreto, at makatotohanan. Heto ang mga elemento ng tekstong ito:
1) Layunin ng may Akda- nakalagay dito ang pangunahing ideya sa paraan ng paglalagay ng pamagat.
2) Pangunahing Ideya- dito naman inilalahad kung tungkol sa ano ang tekstong impormatibo. Kadalasang ginagamit ang mga Organizational Markers para mailarawan ng maayos at mabasa agad ng madla ang pangunahing ideya.
3) Pantulong na kaisipan- ito’y ginagamit ng may akda upang makapagbuo sa isipan ng mga madla ang pangunahing ideya na nais maitanim o maiwan sa isipan.
4) Mga Estilo sa Pagsususlat, Kagamitan, Sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyan-diin:
a) Paggamit ng mga nakalarawang representasyon- paggamit ng larawan, diagramo chart.
b) Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita- pag bold ng letra, gawing italic o ang paglalagay ng guhit sa mga salita. Upang mabigyan diin ang mahahalagang salita.
c) Pagsusulat ng mga Talasanggunian- paglalagay ng credits upang mapatunayan ang totoo (Bibliography)
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Mapapanatili Ang Kultura? – Halimbawa At Kahulugan