Sino si Placido Penitente ng El Filibusterismo ni Jose Rizal?
PLACIDO PENITENTE – Ang titulo ng Kabanata 12 ng El Fili ay Placido Penitente. Alamin kung sino ang karakter na ito ng nobela.
Ang nobelang El filibusterismo ay isang nobela na isinulat ni Dr. Jose Rizal noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ito ay kanyang inialay sa tatlong paring martyr na tinatawag na GomBurZa.
Ito ang karugtong ng kanyang nobela na Noli Me Tangere.
At tatalakayin natin kung sino si Placido Penitente, ang titulo ng Kabanata 12 at isa sa mga karakter ng kwento.
Si Placido ay isa sa mga mahuhuay na mga mag-aaral ni Padre Valerio sa Mataas na Paralan ng Tanuan sa Batangas. Siya ay matalino at talaga namang tinitingala ng mga ibang estudyante ng kanyang paaralan sa probinsya.
Siya ay mabait, hindi gumagawa ng kalokohan, di nakikipaglaro, hindi lumiliban sa klase, at mapagbigay.
Samantala, ito ang buod ng Kabanata 12 ng El Filibusterismo na may ganitong titulo:
Si Placido Penitente ay isang mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo pero malungkot siya at nais niyang tumigil sa pag-aaral.
Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalan niya ang natitirang taon sa unibersidad. Ang ideyang pagtigil sa pag-aaral na inisip ni Penitente ay dahil sa mga kasamahan niya sa Tanawan. Siya ang pinakamatalinong studyante at bantog sa paaralan ni Padre Valerio noon.
Nagulat si Penitente isang araw nang tinapik siya ni Juanito Paelez, isang anak ng mayamang mestizong Kastila.
Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si Padre Camorra at saka kinuwento naman ito ng binata.Tinanong din ni Penitente si Paelez ukol sa kanilang leksyon dahil noong araw laman na iyon ang unang pagpasok ni Paelez. Niyaya naman ni Paelez si Penitente na maglakwatsa, ngunit tumutol naman ito.
READ ALSO:
- Hugnayang Pangungusap Halimbawa – Ano Ang Hugnayang Pangungusap?
- Halamang Ornamental – Mga Halimbawa Ng Mga Halamang Ornamental
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.