Halamang Ornamental – Mga Halimbawa Ng Mga Halamang Ornamental

Ano ang mga halamang ornamental at mga halimbawa nito?

HALAMANG ORNAMENTAL – Mahalaga ang papel ng mga halaman sa kapaligiran at ang isang uri nito ay ang mga halamang ornamental.

Ang halaman ay mga buhay na organismo at sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsipsip ng tubig at ibang nutrients na kailangan upang mabuhay sa pamamagitan ng mga ugat nito.

Ito ay nakapagbibigay ng oxygen sa ating mga katawan at nagbibigay ng sariwang hangin at nakakapigil sa init ng araw.

Nakikinabang din tayong mga tao sa mga bunga nito at ang iba ay nagsisilbing gamot sa ating karamdaman.

Halamang Ornamental

May iba’t ibang uri ang mga halaman.

Ang mga uri nito ay:

  • puno
  • damo
  • namumulaklak 
  • hindi namumulaklak
  • namumunga 
  • gumagapang 
  • ornamental

At sa sulating ito, tatalakayin natin ang mga ornamental na halaman. Ito ang mga halaman na ginagamit nating mga palamuti. Ang ganitong uri ay madalas nating nakikita sa mga tahanan, paaralan, hotel, restaurant, parke, at mga lansangan.

Samakatuwid, ito ang mga halaman na walang anumang panggamot o komersyal na halaga. Itinatanim sila dahil sa kanilang kagandahan.

Ito ang ilang mfa halimbawa:

  • Petunias
  • Sansevieria
  • Monsteras
  • Orchid
  • Fittonias
  • ixora
  • Cacti
  • succulents
  • pothos
  • Mga sedge
  • Restio
  • Hoyas
  • Mga halaman ng ZZ
  • Bonsai
  • Mga Dracaena
  • Mga pandekorasyon na palad
  • Mga Anthurium
  • Mga Philodendron

Subalit hindi lahat ng mga ornamental ay para sa pang-display lamang. Mayroong mga uri na maari nating gamitin bilang panggamot. Ilan sa mga halmibawa nito ay:

  1. Basil na maaring gawing essential oil o gamot para sa kagat ng ahas, sipon, at pamamaga sa nasal passages.
  2. Cilantro na maaring magpababa ng blood sugar.
  3. Peppermint na mabisa sa irritable bowel syndrome, sipon, sinus infections, at sakit ng ulo.
  4. Lavender na mabisa para makatulog ng mahimbing, mabawasan ang mga pananakit at pamamaga, pag-relieve ng menstrual pain, paggaling ng sugat, at marami pang iba.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@ philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment