Pasasalamat Sa Guro – Halimbawa Ng Isang Liham Pasasalamat

PASASALAMAT SA GURO – Ito ang isang halimbawa ng liham ng pagpapasalamat para sa ating mga minamahal na guro.

Ang isang liham ay binubuo ng mga bahagi na: pamuhatan, bating panimula, katawan ng liham, bating pangwaka, at lagda. Ang mga ito ay mahahalagang mga bahagi ng isang liham at ito ang isang halimbawa.

Liham Pasasalamat Sa Guro – Halimbawa Ng Liham Ng Pasasalamat

Isang halimbawa ng liham pasasalamat sa guro at mga tips sa pagsulat.

LIHAM PASASALAMAT SA GURO – Paano sumula ng isang liham at ang mga pwedeng ilagay sa loob ng isang liham para sa guro.

Ang isang liham ay pagsulat ng mensahe para sa pamilya, kamag-anak, at kaibigan. Mayroon ding mga liham na para sa trabaho at marami pang iba. Ang liham o ang liham writing ay ang pagpapalita ng mensahe at ang isang liham may iba’t ibang bahagi.

Ito ang mga bahagi:

  • Pamuhatan – ang nagsasaad ng pinagmulan at ang petsa kung kailan ito isinulat.
  • Bating Panimula – ang nagsasaad ng pangalan ng susulatan na sinusundan at tinatapos ng kuwit ( , ).
  • Katawan Ng Liham – dito nakasaad ang mensahe na nais iparating ng sumulat para sa sinusulatan.
  • Bating Pangwakas – ito ang huling bati ng sumulat na nagtatapos din sa kuwit ( , ).
  • Lagda – ang nagsasaad ng palayaw o pangalan ng nagsulat.
Liham Pasasalamat Sa Guro

At bilang pasasalamat sa guro, ito ang isang halimbawa ng liham para sa kanila:

Pebrero 6, 2019

Maria Cruz
Mag-aaral

Pako St. Brgy. Cruz, Makati, City
December 24, 2020

Gng. Joyce Mendez
Guro
Sta. Cruz Elementary School
Makati City

Mahal Kong Guro,

Isang magandang araw po sa inyo. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyo para sa lahat ng mga bagay at kaalaman sa eskwela at sa buhay na naituro mo sa akin. Hindi ko mararating kung nasaan man ako ngayon kung hindi ka nagtiyaga para ako ay matuto at maging mabuting tao. Kung ano ako ngayon ay utang ko ito sa inyo na aking naging guro.

Ikaw ang guro na hindi madaling magalit ilang beses man akong nagkamali. Ni minsan ay hindi ka rin nagalit ng makailang beses akong lumiban sa klase at sa mga oras na nahuhuli mo akong tulog sa gitna ng iyong pagtuturo. Palagi ay mayroon kang mga paraan para kami ay mapasaya at ang mga kwento mo ang ilan sa mga umukit sa aking katauhan upang maging mabuting mamamayan.

Salamat dahil sa eskwelahan ay ikaw ang tumatayo na ama at ina para sa aming lahat. Kailanman ay hindi ka nawalan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa akin at sa aming lahat na iyong mga mag-aaral. Gusto kong malaman mo na taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng gabi na nagpuyat ka kakahanda ng mga leksyon at kakaisip kung paano namin maiintindihan ang mga bagay-bagay sa buhay, sa paligid, at sa lipunan.

Nawa’y sa simpleng sulat ko na ito, maramdaman mo ang aking pagmamahal at pasasalamat para sa iyo na aking naging guro.

Lubos na gumagalang,

Arnold Vera
Ang iyong mag-aaral

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment