Ano ang mga halimbawa ng malikhaing pagsulat? Ito ang kasagutan!
HALIMBAWA NG MALIKHAING PAGSULAT – Ito ang ilan sa mga halimbawa ng malikhaing pagsulat, mga layunin at katangian nito.
Ang paglikha ng sulatin ay hindi lamang nangangailangan ng titik na magpapaliwanag at magsasalit para sa mga mambabasa. Sa mas malalim na pagpapaliwanag, ang sulatin ay naglalayon na maipahayag ang saloobin ng manunulat at maiparating sa mga tao ang mensahe na nais nitong iparating. Pinupukaw ng isang sulatin ang imahinasyon at damdamin ng mga mambabasa.
Ito ang pagsulat ng higit pa sa prupesyonal, pamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan. Ang pagsulat ng malikhain ay isang kritikal na kakayahan. Sa pamamagitan ng titik, ang ideya at kwento ay napapanatiling buhayin ang diwa ng mambabasa.
Ito ang ilan sa mga uri at halimbawa:
- Di kathang-isip – ang paggawa ng makatotohanan at tumpak na salaysay tulad talambuhay, personal na naratibo, maikling kwento, at sanaysay
- Kathang-isis – ang pagbuo ng mga sulating walang katotohanan at inimbento lamang ng may-akda tulad ng nobela, nobelita, maikling kwento, dagli, pabula, dula,
- Panulaan o tula – ito ay mayaman sa tayutay kung saan ang manunulat ay may kalayaan na gumamit ng wika ayon sa estilo at anyo na nais niyang gamitin tulad ng
- maikli (haiku, tanaga, tanka)
- liriko o pandamdamin (awit, dalit, elehiya, oda, pastoral, soneto)
- pasalaysay (epiko, korido, tulagunam, tulasinta)
- dula (kalunos-lunos, katatawanan, katawa-tawang kalunos-lunos, liriko-dramatiko, madamdamin, mag-sang salaysay, parsa)
- patnigan (balagtasan, batutian, duplo, karagatan)
Ang sining at kakayahan sa pagsulat ay patuloy na napag-iibayo at napapa-unlad. Naging malawak din dahil sa dami ng uri at anyo na napapaloob sa bawat batayang uri ng malikhaing pagsulat.
READ ALSO:
- Jaime An Lim Biography – Life Story Of The Famous Writer
- Rogelio Ordonez Biography – Life Story Of Multi-Awarded Author “Ka Roger”
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.