Sistemang Bandala – Ano Ang Sistemang Bandala at Layunin Nito?

Ano ang layunin ng sistemang bandala at bakit ito ipinatupad?

SISTEMANG BANDALA – Pagtalakay sa sistemang bandala at kung kailan at bakit ito ipinatupad noong panahon ng Espanyol.

Ano ang Sistemang Bandala?

Noong panahon ng kolonyal, ang sistemang ito ay ipinatupad ang pagbabayad ng buwis. Ito at taon-taon nilang ginagawa at ang pamahalaan ang nagtatakda ng babayaran.

Kaakibat nito ang iba pang mga patakaran tulad ng tribute at polo y servicios.

Sistemang Bandala

Ang sistemang ito ay tumutukoy sa mga produktong agrikultural tulad ng bigas, langis, abaka, at marami pang iba na kailangang ibenta ng mga magsasaka sa pamahalaan.

Ang taunang pagbubuwis na ito ay sapilitang pagbebenta ng mga ani at kalakal sa pamahalaan pero hindi ito nagustuhan ng mga magsasaka sa panahong iyon. Ito ay sa kadahilanang ang kanilang ani at produkto ay ipinagbibili lamang sa mababang halaga.

Ito ay ipinatupad ng pamahalaan ng mga Espanyol para mas malaki ang kita nila na kanila ring magagamit.

Ang sitemang ito ang basehan din ng pagbubuwis sa panahon ngayon.

Ang pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay tumagal ng higit sa 300 na taon at nang matuklasan nila ang Pilipinas, ito ay inari nila na kanilang kolonyal.

Bago pa dumating ang mga Espanyol at bago pa naipatupad ang sistemang ito, ang mga Pilipino ay malaya ang kanilang pakikipagkalakalan sa ibang bansa tulad ng China at India.

Natigil ang bandala noong 1782 dahil ang madalas na ipinambabayad ng pamahalaan ay promisory note. At kalimitan ay hindi natutupad ang halaga sa papel na ito. Nawalan ng kita ang mga magsasaka at nagresulta ng pagkalugi ng mga mamamayan kaya ang sistemang ito ay ipinatigil.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment