Ano ang heterogeneous at homogeneous na wika? Alamin ang kahulugan at mga halimbawa.
HOMOGENEOUS NA WIKA – Ang kahulugan ng heterogeneous at homogeneous na wika at mga halimbawa ng mga ito.
Ang homogeneous na wika ay ang pagkakatulad ng mga salita pero dahil sa pagbaybay at intonasyon, nagkaroon ito ng ibang kahulugan.
Dahil sa pagkakahati-hati ng mga lugar, nagkarron ng ibat-ibang uri o baryasyon ng wika at ang bansa ay nahahati ayon sa wika na ginagamit.
Ang pagsakop din ng ibang lahi sa Pilipinas ay naka-impluwensya sa sa ating pananalita.
Ito ang halimbawa ng homogeneous:
- puNO o wala ng espasyo
- PUno o tree sa wikang Ingles
- saMA o hindi kaaya-aya
- SAma o makilahok
- BUkas o sunod na araw
- buKAS o open sa wikang Ingles
- BAka o ang hayop na cow sa Ingles
- baKa o hindi sigurado
Ang homogeneous ay ang mga salita rin na iba-iba ang baybay pero iisa lang ang ibig sabihin.
Sa kabilang banda, ang heterogeneous na wika ay ang mga salitang di pormal o mga salita na naimbento ng iba’t ibang grupo ng lipunan. Ito ang mga salita na binibigkas sa kakaibang istilo pero ang kahulagan ay iisa lamang.
Mga halimbawa:
- Erpat o ama
- Ermat o ina
- Lodi o baligtad ng idol
- Werpa o baligtad ng power
- Petmalu o baligtad ng malupet
- Igop o baligtad ng pogi
Ang heterogeneous ay tinuturing din na uri ng wika na iba-iba ang baryasyon o barayti. Ang pagkakaiba-iba ay maaring dahil sa heograpiya, kasarian, edad, grupo, antas ng pamumuhay at uri ng sosyodad.
Ang Pilipinas sa kabuuan ay may 175 na wika pero pinagbubuklod pa rin ng iisang pangunahing wika – ang wikang Filipino.
READ ALSO:
- Mga Salitang Naglalarawan (Halimbawa Sa Salita At Pangungusap)
- Anu-Ano Ang Mga Bansa sa Mundo? Narito ang tala ng lahat ng mga bansa…
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.