BUOD NG ALIBUGHANG ANAK – Basahin ang buod ng kwentong “Ang Alibughang Anak” at alamin ang aral mula sa kwentong ito.
Ang “alibughang anak” ay maisasalarawan bilang “makasalanan na anak”. At marami ang aral na mapupulot sa kwento na ito. Isa na dito ay pagiging kuntento sa kung ano ang meron ka para sa isang payapa na buhay.
Ang Alibughang Anak Buod At Mga Aral Ng Kuwento
Ano Ang Buod Sa Kuwentong “Ang Alibughang Anak” (Sagot)
ANG ALIBGUHANG ANAK – Sa paksang ito, ating alamin ang buod at mga aral sa kuwentong “Ang Alibughang Anak”.
May isang pamilyang may-kaya sa buhay. Ang mag-asawa sa pamilyang ito ay nag karoon ng dalawang lalaking anak. Simula’t sapul, ang ama ay nagbibigay na ng tulong sa kanyang mga anak. Sila rin ay magkasama sa matagal na panahon.
Pero, isang araw, nag pasiya ang bunsong anak na kukunin na raw lamang niya ang mana ay napag-isipang mag-isa na lamang. Binigay ito ng kanyang ama at nagsimula nang umalis ang kanyang bunsong anak.
Ngunit, pagkalipas ng panahon, ginastos lamang ng bunsong anak ang kanyang manang pera. Bukod rito, nabaon pa siya sa utang. Dahil rito, naghirap ang bunsong anak. Matapos ito, bumalik naman ang bunsong anak sa kanyang ama at siya rin ay tinanggap.
Nung nalaman ito ng kanyang nakakatandan kapatid lumabas ito ng galit sa kanyang ama. Hindi niya matanggap ang kanyang desisyon. Ngunit, nalaman niya na ginawa lamang ito ng kanyang ama para malaman niya ang tunay na halaga ng isang pamilya.
Pagkatapos nito, nag bago ang kanyang saloobin sa nakababatang kapatid at pinatawad niya ito.
Ang aral na makukuha sa kuwento ay dapat maging maingat ka sa pag gamit ng pera at huwag lamang itong pag-laruan. Bukod rito, ang isang mahalagang aral ng kuwento ay ang pagbigay halaga sa pamilya.
Basahin rin: Ang Pilosopo Uri Ng Paninirahan – Uri Ng Paninirahan Ng Mga Tauhan