Ang Pilosopo Uri Ng Paninirahan At Iba Pang Aral
ANG PILOSOPO – Ang uri ng paninirahan ng mga tauhan sa kwentong “Ang Pilosopo” ay mga kubo lamang.
Ito ay dahil mga musmos ang mga tauhan sa kuwento pero ang kanilang lider na si Abed ay isang mabuting tao na handang tumulong. Isang araw, pumunta si Abed sa kanilang lugar upang bigyan ng pagkain ang mga mahihirap.
Nung nalaman ito ni subaket, nag hanap siya ng bato at nilagay sa kanyang kalaha upang ma bigyan rin ng pagkain. Nang maka punta na si Abed sa kanilang bahay, sinabihan ito na pumunta sa kanilang pagtitipon sa susunod na araw para mag dasal at ma bigyan ng pagkain.
Subalit, hindi ito nakarating. Pero, sabi ni Abed, maari pang sumabay si Subaket sa kanila. Sinabihan ni Abed ang mga tao na kumuha ng batong kaya nilang buhatin. Ngunit, ang batong kinuha ni Subaket ay sinlaki lamang ng kanyang darili.
Nung napagad na ang mga tao, sinabihan sila ni Abed na mag dasal muna. Pagkatapos nito, pinabuksan niya ang baon ng mga tao ay bigla na lamang naging tinapay ang kanilang mga dalang bato.
Pero, si Subaket ay hindi na busog dahil ang tinapay niyang nakuha ay sinlaki lamang ng kanyang darili. Pagkatapos nito, sinabihan ni Abed ang mga tao na kumuha ng maliit lamang na bato.
Akala ni Subaket magiging tinapy ulit ito. Yun pala, ang mga bato ay ihahagis lamang at kung saan dadapo ang bato, hanggang doon ang lupang ibibigay sa kanila.
Dahil dito, si Subaket na may pinakamalaking bato ang binigyan ng pinakamaliit na lupa. Bukod rito, sinabihan rin siya na dahil hindi siya marunong sumunod sa mga batas at utos, hindi ito aahon sa buhay.
BASAHIN RIN: Mag Asawa Munting Ibon – Mga Katangian Ng Mag Asawa Sa Kwento