PAANO GUMAWA NG SANAYSAY – Ito ang mga elemento ng sanaysay na makakatulong sa iyo upang makagawa ng isang sanaysay.
Mabisa ang isang sanaysay upang maipahayag ang damdamin ng manunulat at magbigay ng kaalaman. At para makagawa ng isang sanaysay, may mga hakbang na dapat mong malaman at sa paggawa nito, may mga elemento na dapat mong isaalang-alang.
Elemento Ng Sanaysay – Anu-ano Ang Mga Elemento Ng Isang Sanaysay?
Alamin dito ang mga elemento ng sanaysay at halimbawa ng isang sanaysay.
ELEMENTO NG SANAYSAY – Ang pagtalakay sa mga iba’t ibang elemento ng isang sanaysay at isang halimbawa nito tungkol sa edukasyon.
Ang sanaysay ay may dalawang uri – ang pormal na sanaysay at di-pormal na sanaysay. Ang pormal ay ang sulatin kung saan ang tinatalakay na mga paksa ay seryoso. Binubuo ito ng komprehensibong pagsasalaysay gamit ang katotohanan, mga pangyayari, at karanasan. Gumagamit ang may akdang mga salita na pormal at akademiko.
Samantala, ang di pormal ay ang pagtalakay ng isipin o paksa na pagkaraniwan kung saan mas nananaig ang opinyon o obserbasyon. Ang mga salitang ginagamit ay magagaan at maaring makapaggamit ng mga balbal na salita.
Ito ang pitong elemento ng isang sanaysay:
- Tema at nilalaman
ang paksa ng komposisyon - Anyo at istruktura
ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya o mga pangyayari - Kaisipan
ang mga ideyang may kaugnayan sa paksa - Wika at istilo
kung paano ipinapahayag ang paksa at ang kaisipan nito sa isang simple at natural ngunit matapat na paraan - Larawan ng buhay
kung gaano katotoo o kasining ang paglalahad na ginawa ng isang may-akda - Damdamin
kung may damdamin ba ang paglalahad ng sanaysay - Himig
ang kulay o uri ng damdamin na ipinapahiwatig ng sanaysay
Tingnan ang isang maiksing sanaysay tungkol sa kahalagahan ng edukasyon:
Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot.
Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
BASAHIN:
- Matalinghagang Salita Tungkol Sa Pagmamahal – Mga Halimbawa
- Dalawang Uri Ng Sanaysay – Ano Ang Dalawang Uri Ng Sanaysay
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.