Ano Ang Lagom? Alamin Ang Kahulugan Ng Lagom At Halimbawa

Alamin at pag-aralan kung ano ang lagom o summary sa Ingles.

ANO ANG LAGOM – Ang paggawa ng lagom ay para mas paikliin ang isang sulatin upang mas maintindihan ito. Alamin ang kahulugan ng lagom dito.

Ang lagom ay “summary” sa Ingles at ito ay isang malikhaing pagsasalarawan at pagsasalaysay ng isang sulatin. Ang paraan na ito ay nakakapagbigay ng isang pangkalahatang-ideya sa mga mambabasa. Walang personal na opinyon na nahahalo dito at ang napapaloob dito ay ang mga importanteng kaganapan lamang.

Ano Ang Lagom

Sa madaling salita, ito ang pinasimple at pinaiksing bersyon ng isang sulatin o akda.

Ito ang ilang mga bagay na tandaan upang makagawa ng isang maganda at epektibong lagom:

  • Tukuyin ang pinakasentro ng akda.
  • Suriin ng mabuti ang nilalaman.
  • Tukuyin ang mga kaganapan at ideya na dapat bigyan ng malalim na pansin at kung alin ang mga hindi gaanong dapat bigyan ng importansya.
  • Dapat ito ay concise (naayon), precise (malinaw na mambabasa), at objective.
  • Lohikal at nakabatay sa impormasyon nakasaad.
  • Dapat ito ay payak at tiyak.
  • Dapat ito ay direct to the point.

Basahin ang isang halimbawa, ang lagom ng kwentong “Sandosenang Sapatos“:

Ang ama ni Karina ay isang mahusay na magsa-sapatos at tuwing may okasyon, ang kanyang ama ay hindi pumapalya na gawan siya ng bagong pares. Ang kanyang mga magulang ay matagal nang nagdarasal na mabiyayaan sila ng isa pang anak at nangyari nga ito. Masaya sila dahil isa na namang babae ang kanilang magiging anak at sa sobrang tuwa, ang kanyang ama ay nais itong maging balerina. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, dahil sa isang sakit, ang kanilang bunso na si Susie ay naipanganak ng walang dalawang paa.

Sa tuwing igagawa si Karina ng sapatos ng kanyang, malungkot na lang itong napapatingin sa bunsong anak at napapabuntong-hininga. Isang araw, ang bunsong kapatid na malapit sa kanyang Ate Karina ay may kwento na ibinahagi. Ang kanyang kwento ay tungkol sa kanyang panaginip kung saan siya ay may paa at nakakasuot ng sapatos. Malinaw na isinalarawan ni Susie kay Karina ang bawat sapatos na kanyang napapanaginipan tuwing sasapit ang kanyang kaarawan. Subalit, nang tumuntong nga edad 12 si Susie, namatay ang kanilang ama.

At isang araw, habang nasa bodega si Karina at naghahanap ng mga sapatos na maari nilang maipamigay, may nakita siyang mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan at doon niya nadiskubre ang isang dosenang pares ng sapatos na may iba’t ibang laki at para sa iba’t ibang okasyon. Bawat pares ay may sulat mula sa kanyang ama para sa kanilang bunso. At nang makita ni Susie ang mga sapatos na para sa kanya, nagulat siya dahil ang mga ito ay katulad na katulad sa mga sapatos na nasa panaginip niya.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment