Sandosenang Sapatos Buod, Tauhan, At Pagsusuri Ng Kwento

Ang Sandosenang Sapatos buod at mga tauhan ng kwento.

SANDOSENANG SAPATOS – Ito ang buod, pagsusuri, at mga tauhan sa kwentong “Sandosenang Sapatos” ni Luis P. Gatmaitan.

Si Luis P. Gatmaitan ang sumulat ng kwentong “Sandosenang Sapatos”. Ito ay isang maiklig kwento. Ang makling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan.  Ito ay nag-iiwan ng aral sa mga mambabasa at maari mo itong matapos na basahin sa isang upuan lamang.

Sandosenang Sapatos Buod

Buod ng kwento:

Ang ama ni Karina ay isang mahusay na magsa-sapatos at tuwing may okasyon, ang kanyang ama ay hindi pumapalya na gawan siya ng bagong pares. Ang kanyang mga magulang ay matagal nang nagdarasal na mabiyayaan sila ng isa pang anak at nangyari nga ito. Masaya sila dahil isa na namang babae ang kanilang magiging anak at sa sobrang tuwa, ang kanyang ama ay nais itong maging balerina. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, dahil sa isang sakit, ang kanilang bunso na si Susie ay naipanganak ng walang dalawang paa.

Sa tuwing igagawa si Karina ng sapatos ng kanyang, malungkot na lang itong napapatingin sa bunsong anak at napapabuntong-hininga. Isang araw, ang bunsong kapatid na malapit sa kanyang Ate Karina ay may kwento na ibinahagi. Ang kanyang kwento ay tungkol sa kanyang panaginip kung saan siya ay may paa at nakakasuot ng sapatos. Malinaw na isinalarawan ni Susie kay Karina ang bawat sapatos na kanyang napapanaginipan tuwing sasapit ang kanyang kaarawan. Subalit, nang tumuntong nga edad 12 si Susie, namatay ang kanilang ama.

At isang araw, habang nasa bodega si Karina at naghahanap ng mga sapatos na maari nilang maipamigay, may nakita siyang mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan at doon niya nadiskubre ang isang dosenang pares ng sapatos na may iba’t ibang laki at para sa iba’t ibang okasyon. Bawat pares ay may sulat mula sa kanyang ama para sa kanilang bunso. At nang makita ni Susie ang mga sapatos na para sa kanya, nagulat siya dahil ang mga ito ay katulad na katulad sa mga sapatos na nasa panaginip niya.

Narito ang Sandosenang Sapatos Ang Buong Kwento

MGA ELEMENTO

  • Tauhan
    • Ang amang sapatero – isang mabuting asawa, isang mapagmahal na ama, at siya ay isang mahusay na sapatero
    • Karina – mapagmahal na kapatid at magaling sa pagpinta
    • Nanay – mabuting asawa at isang maarugang ina
    • Susie – ipinanganak nang walang paa at mahusay magsulat
  • Paksang Diwa
    • Ang pagmamahal ng ama para sa kanyang anak na hindi masusukat sa kung anuman ang kapansanan o kalagayan ng anak.
  • Tagpuan
    • Ang kweto ay umiikot sa bahay nila Karina.
  • Aral
    • Hindi masusukat ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanyang anak. Walang katulad ang pagmamahal na ito.
    • Hindi hadlang ang kapansanan upang magtagumpay at hinding-hindi magiging kakulangan ang pagkawala ng paa, kamay, at ano pa man upang ipagpatuloy na tuparin ang iyong pangarap.

BASAHIN:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment