TATLONG SANGAY NG PAMAHALAAN – Ang Pilipinas ay may pampanguluhang anyo ng pamahalaan at ito ay may tatlong sangay.
Ang tatlong sangay ng pamahalaan ng Pilipinas ay ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura. Alamin ang mga ibig sabihin ng tatlong sangay na ito at paano sila nakakatulong sa bansa.
Ano Ang Tatlong Sangay Ng Pamahalaan? (Sagot)
Alamin at pag-aralan ang tatlong sangay ng pamahalaan.
TATLONG SANGAY NG PAMAHALAAN – Sa paksang ito, ating alamin ang tatlong sangay ng pamahalaan at ang layunin ng bawat isa.
Ang pamahalaan ay ang pangunahing institusyon na nagpapatupad ng mga taas at kautusan ng isang bansa.
Ang bansa nating Pilipinas ay may pamahalaang demokratikong republika at ito ay may tatlong sangay:
- Tagapagbatas | Lehislatura
- Ang sangay na ito ay may kapangyarihang magpanukala, gumawa, at magbago ng batas. Nakasalalay ito sa Kongreso ng Pilipinas.
- Ang Kongreso ay nahati sa dalawang kapulungan:
- Senado – Ang mataas na kapulungan, ito ay binubuo ng 24 na senador at pinamumunuan ng isang presidente ng Senado
- Kapulungan ng Kinatawan – Ang mababang kapulungan. Bmubuo ng higit na 250 na kinatawan na pinamumunuan ng isang Speaker o Punong Kinatawan
- Tagapagpaganap | Ehekutibo
- Ito naman ang nagpapatupad ng batas na ginawa sa Kongreso. Ito ay nasa pangulo na siyang pinakamataas na pinuno ng pansa at ang pangunahing tagapatupad ng batas.
- Ang Pangulo ay may katulong ng mga gabinete at ng Bise Presidente
- Gabinete – pinamumunuan ng mga kalihim upang mamuno sa mga kagawaran.
- Panghuhukom | Hudisyal
- Sila naman ang nagdidisiplina sa mga huwes ng mababang hukuman
- Ito naman ay nakasalalay sa Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema at binubuo ito ng Punong Hukom o Chief Justice at labing-apat na Kagawad na Hukom
BASAHIN DIN: Examples Of Countries In The World Under The Monarchical Government